Facebook

6 kidnaper timbog sa Parañaque

NATIMBOG ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang anim na kidnaper sa isinagawang rescue operation sa Parañaque City nitong Huwebes.

Kinilala ang mga naaresto na sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Haq, Qui You Bo, pawang Chinese nationals at naninirahan sa Washington St., Barangay Pio Del Pilar, Makati City; habang ang kanilang nagsisilbing driver na isang FIlipino ay kinilalang si Nelson Malavega, residente ng Pasay City.

Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, dinukot ng anim na kidnaper ang 23-anyos na Chinese POGO worker sa Bradco Avenue corner Cuinco St., Aseana, Bgy. Tambo, Paranaque City at isinakay sa isang van.

Agad naman itong napansin ng hotel security personnel kaya ini-report sa Sub-Station 2 ng Paranaque City Police Station ang pangyayari. Kaagad nagsagawa ng rescue operation ang pulisya at nailigtas ang biktima at nahuli ang anim na kidnaper. (Gaynor Bonilla)

The post 6 kidnaper timbog sa Parañaque appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 kidnaper timbog sa Parañaque 6 kidnaper timbog sa Parañaque Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.