Facebook

6 months allowance ng PWDs/solo parents, ibibigay sa Martes — Isko

IPAMIMIGAY na simula sa Martes, June 22, ang anim na buwang allowance ng mga solo parents at persons with disability (PWDs).

Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang payroll para sa mga nasabing beneficiaries sa tulong ni Re Fugoso, hepe ng city’s social welfare department.

Sinabi ni Moreno na ang budget na inilaan sa mga solo parents at PWDs ay P3,000 bawat isa. Ito ay sumasakop sa P500 monthly allowance na mula January hanggang June, 2021.

Ayon kay Fugoso may 5,159 solo parents at 21,773 PWDs sa buong lungsod ng Maynila.

Sinabi pa nito na ang budget na kailangan para sa solo parents ay umabot sa P15.477 million at P 65.3 million naman sa PWDs.

Sa inisyatibo ni Moreno at sa buong suporta ng Konseho ng Maynila, ang pamahalaang lungsod ay naglatag noong 2019 ng social amelioration package na nagbibigay ng buwanang cash allowance sa mga senior citizens, PWDs at solo parents, ito ay maliban pa sa mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ng Universidad de Manila.

Ang mga nasabing benepisyo ay nakasaad sa Manila City Ordinances number 8564 at 8565 na ipinasa ng Manila City Council sa ilalim ni Vice Mayor at presiding officer Honey Lacuna, Majority Floorleader Joel Chua at miyembro ng majority bloc.

Ang nasabing ordinansa ay ipinasa sa inisyatibo ni Moreno bilang bahagi ng social amelioration stimulus package ng lokal na pamahalaan para sa mga qualified at deserving na mga Manileño.

Ang alkalde rin ay pumasok sa isang kasunduan sa mga opisyal ng PayMaya upang mabigyan ng ginhawa ang mga beneficiaries na umaabot sa 200,000 sa kabuuan, kapag kukunin na nila ang ang kanilang monetary assistance mula sa lungsod.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang mga beneficiaries ay maaaring mag-withdraw ng kanilang cash benefits gamit ang kanilang PayMaya card sa pinakamalapit na ATM machine anumang oras nila gusto. (ANDI GARCIA)

The post 6 months allowance ng PWDs/solo parents, ibibigay sa Martes — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 months allowance ng PWDs/solo parents, ibibigay sa Martes — Isko 6 months allowance ng PWDs/solo parents, ibibigay sa Martes — Isko Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.