Facebook

Bong Go: Impormasyon sa fire prevention, palakasin

MULING nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na palakasin ang ginagawang kampanya hinggil sa pagsugpo sa mga sunog kasabay ng pamamahagi niya ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan sa mga Barangay ng San Miguel at Del Monte sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.

Isinagawa ang relief activities sa Conference Room ng New City Hall sa IGACOS, sa pakikipagtulngan ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Bawat pamilya ay binigyan ng financial assistance, food packs at meals, bukod pa sa bitamina, masks at face shields upang manatili sillang malusog at maprotektahan laban sa virus.

Sa kanyang video message, sinabi ng senador na kadalasan ay mga low-income communities ang nagiging biktima ng sunog kaya umapela siya sa local authorities na palakasin ang information awareness campaign para ma-educate sila sa pag-iingat sa sunog at kung ano ang mga nararapat na gawin para ito’y maiwasan.

“Saksi ako sa hinagpis na nararamdaman ng ating mga kababayan na biktima ng mga sunog. Buwan-buwan, bago ang pandemya, ilang insidente ng sunog ang aking binibisita sa iba’t ibang panig ng bansa upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nabiktima nito,” sabi ni Go.

Kaya noong 2019, inihain ng senador ang panukalang batas sa Senado na nag-aatas sa BFP na iimplementa ang modernization program, kinabibilangan ng pagbili ng mga modernong fire equipment, hiring ng personnel at pagsasagawa ng specialized training programs.

“To better protect Filipinos, we need to further strengthen the Bureau of Fire Protection by improving its services and capabilities so that it can efficiently and effectively respond to incidents and other catastrophes,” paliwanag ni Go.

Kapag naisabatas, ang BFP ay magakaroon ng mandatong magsagawa ng buwanang monthly fire prevention campaigns at information drives sa bawat lokalidad, lalo sa informal settlements, economically depressed areas at far-flung communities. (PFT Team)

The post Bong Go: Impormasyon sa fire prevention, palakasin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Impormasyon sa fire prevention, palakasin Bong Go: Impormasyon sa fire prevention, palakasin Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.