Facebook

Rep. Pulong Duterte, patuloy sa pagtugon sa pangangailangan sa Davao

MAKARAAN mabahaginan ang mga frontliners, mangingisda at marginalized, muli na namang ikinagalak ng mga mamamayan ng Davao City ang patuloy na aruga ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa kanyang distrito.

Dahil alam ng mambabatas ang pangagailangan ng kanyang mamamayan dahil na rin sa epekto ng pandemya, namahagi muli ng bigas at delata sa mga barangay officials at konsehal na apektado ng kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ) na tatagal hanggang katapusan ng buwan .

“Sadyang mabigat ang buhay hindi lamang dito sa Dabaw, maging sa ibang panig ng bansa. Kaya tungkulin natin na tulungan ang lahat. Hindi lang mga kapus-palad, maging ang ating mga opisyal ng barangay dahil sila ay apektado rin. Tuloy-tuloy nating tutulungan ang ating mga kababayan sa tulong na din ng ating Pamahalaan,” pahayag ng mambabatas na anak ng Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Rep. Pulong Duterte, patuloy sa pagtugon sa pangangailangan sa Davao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rep. Pulong Duterte, patuloy sa pagtugon sa pangangailangan sa Davao Rep. Pulong Duterte, patuloy sa pagtugon sa pangangailangan sa Davao Reviewed by misfitgympal on Hunyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.