ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 6,959 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,407 na gumaling at 153 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (59,439) ang aktibong kaso, 93.9% (1,270,243) na ang gumaling, at 1.74% (23,538) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 17, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.5% sa lahat ng samples na naitest at 3.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)
The post 6,959 nadagdag kaso ng COVID-19, naitala appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: