ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 6,955 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,109 na gumaling at 195 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (59,543) ang aktibong kaso, 93.6% (1,180,998) na ang gumaling, at 1.72% (21,732) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 3, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.17% sa lahat ng samples na naitest at 0.21% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)
The post 6,995 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: