Facebook

Apela ni Bong Go na akmang bakuna sa seafarers, OFWs inaprub ni PDU30

PINURI at pinasalamat ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte at concerned authorities matapos aprubahan ang kanyang apela na bigyan ng bakuna ang seafarers at overseas workers na akma sa kani-kanilang destinasyong bansa.

“Nagpapasalamat po ako kay Pangulong Duterte dahil pinakinggan po niya ang ating apela na mag-allocate ng mga bakunang kailangan ng ating mga seafarers upang muli na silang makabalik sa kanilang trabaho,” ayon kay Go.

“May ilan sa kanila na nag-aalinlangan na magpabakuna rito sa atin dahil may ibang mga bansa na naghahanap ng specific na brand, bagama’t napatunayan na namang ligtas at epektibo ang mga bakunang mayroon tayo,” idinagdag niya.

Kaugnay nito, muling hinimok ni Go ang publiko na magtiwala sa bakuna at suportahan ang National Vaccine Program para mapalakas ito at maraming mabakunahan.

“Magtulungan na lang po tayo. Ulitin ko, magpabakuna na kayo, ang dami pa ring takot dito. Kanina tinatanong ko, less than 50% pa po ang willing magpabakuna. Nandiyan na po ang bakuna, bubuksan na po ang A4 at A5 sa susunod na buwan para po bigyan na po ng tiyansa ang mahihirap nating mga kababayan,” ang apela ng senador.

“At pinayagan na rin po ni Pangulong Duterte ang mga seafarers, mga OFWs, na bigyan po ng prayoridad. Unahin po silang bakunahan, dahil kadalasan dito, karamihan sa kanila ay hindi na po makakabalik agad sa bansa. Dapat secured na ang kanilang pagbabakuna, mauna sila. At bibigyan sila ng priority sa ‘western’ na bakuna, dahil ang iba pong mga kababayan natin ay ayaw magpabakuna ng ibang brand, dahil sinasabi ay ayaw silang tanggapin doon sa mga bansang pagtatrabahuhan nila,” ang paliwanag ng senador.

“Ayan na po, mai-encourage na po silang magpabakuna dahil kailangan nila sa pagtatrabahuhan nila. Bigyan sila ng prayoridad at pumayag na po si Pangulong Duterte especially po ‘yung mga OFWs na mayroon na pong kontrata sa ibang bansa at mga seafarers na kailangan na pong sumakay ng barko, at kadalasan sa mga ito ay hindi po bumababa ng barko sa loob ng isang buwan, kaya dapat sila po ay bakunado,” idinagdag niya.

Sa kanyang Talk to the People address kamakailan, sinabi ng Pangulo na pinabibigyan niya ang seafarers ng katanggap-tanggap na COVID-19 vaccines sa mga bansang patutunguhan dahil kailangan ito sa kanilang trabaho.

“We are ready to vaccinate them with a western brand. Our only concern here is that there is no violation of the equal protection clause because this is what the nature of their work requires,” sabi ni Duterte.

“It is not given to the seafarers not because they are a special breed that you need to give [special brands], but you have to give them because their work requires the vaccination of US-made vaccines,” dagdag ng Pangulo. (PFT Team)

The post Apela ni Bong Go na akmang bakuna sa seafarers, OFWs inaprub ni PDU30 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Apela ni Bong Go na akmang bakuna sa seafarers, OFWs inaprub ni PDU30 Apela ni Bong Go na akmang bakuna sa seafarers, OFWs inaprub ni PDU30 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.