Facebook

BAGONG BLACK HAWK HELICOPTER NG AFP BUMAGSAK: 6 SUNDALO PATAY

NASAWI ang anim na miyembro ng Philippine Air Force (PAF) nang bumagsak ang sinasakyang S-701BlackHawk Helicopter habang nagsasagawa ng training sa Crow Valley sa Capas, Tarlac.

Pansamantala hindi muna pinangalanan ang mga nasawing sundalo na kinabinilangan ng isang Lt. Colonel, 2 Major, 1 Master Sergeant, Technical Sergeant at Sergeant.

Ayon kay Lt. Col. Maynard P. Mariano, spokesman ng PAF, 8:00 ng gabi nang lumipad ang S-701 Blackhawk Helicopter ng 205th Tactical Helicopter para sa “night fligth trainning sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Capas.

Aniya, ang “night flight proficiency trainings ay bahagi ng pagsasanay sa kakayahan ng mga piloto at crew bago italaga sa kanilang mga mission.

“Although with inherent risks, this competency is vital and necessary for the transport and logistics requirements of Unified Commands,” ani Mariano.

Sinabi ni Marinao na nabahala ang PAF personnel nang mawalan ng kontak sa piloto ng helicopter 10:00 ng gabi.

Sa isinagawang search and rescue, sinabi ni Mariano na walang nakuhang survivor mula sa bumagsak na helicopter.

Sa kasalukyan, pangsamantala muna isinailalim sa grounded ang lahat ng mga Blackhawk habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak nito.

Gawa ang S-70i Black Hawk helicopters ng Poland’s PZL Mielec, ang pinakabagong aircraft ng PAF na binili ng Pilipinas sa halagang P12.1 billion. (Mark Obleada)

The post BAGONG BLACK HAWK HELICOPTER NG AFP BUMAGSAK: 6 SUNDALO PATAY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAGONG BLACK HAWK HELICOPTER NG AFP BUMAGSAK: 6 SUNDALO PATAY BAGONG BLACK HAWK HELICOPTER NG AFP BUMAGSAK: 6 SUNDALO PATAY Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.