Facebook

Covid update: 6,043 bagong kaso; 4,486 gumaling; 108 nasawi

TUMAAS muli ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na nasa 6,043 kumpara sa nagdaang dalawang araw na umabot lamang sa tatlong libo hanggang apat na libo mahigit batay sa datos ng Department of Health nitong Huwebes, Hunyo 24.

Sa ngayon, pumalo na sa kabuuang 1,378,260 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakapagtala rin ng 4,486 na gumaling dahilan para maging 1,302,814 na ang kabuuan.

Habang umakyat naman sa 24,036 ang namamatay na sa sakit makaraang madagdagan pa ng 108 na pumanaw.

Sa bilang ng naitalang kabuuang mga kaso, mayroon pa ring 51,410 na aktibong kaso.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 22, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.35% sa lahat ng samples na naitest at 0.24% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 6,043 bagong kaso; 4,486 gumaling; 108 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 6,043 bagong kaso; 4,486 gumaling; 108 nasawi Covid update: 6,043 bagong kaso; 4,486 gumaling; 108 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.