NANAWAGAN ang Alliance of Health Workers sa Department of Health (DOH) na isauli sa mga ospital ang pondong aabot sa P300-M.
Ito’y ayon sa pangulo ng grupo na si Robert Mendoza ay para magamit na benepisyo ng mga health workers tulad ng pagkain, accommodation at transportasyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.
Sa isang panayam kay Mendoza, abot-abot ang kanilang pagkadismaya nang sabihin sa kanila ng DOH na nagamit na ang pondo para sa iba pang programa ng kagawaran.
“Ayon naman sa Department of Health (DOH), ay nagamit na ito para pambili ng vaccine, pambayad sa mga health workers at iba pang mga programa ng DOH regarding sa COVID-19 pandemic,” ani Robert.
Binigyang diin pa ni Mendoza na mayroon pang P18-B hindi nagamit na pondo sa ilalim ng bayanihan 2 na maaaring ipamahagi sa mga health workers.
“Ito yung masakit talaga kasi alloted na ito para sa mga health workers, sa ngayon sinasabi walang budget pero alam naman natin na sinasabi nga ng philhealth, mga senador, mga congressmen na itong bayanihan na ito ay magtatapos ngayong June, pero meron pang 18B sinasabi nilang walang pera ang DOH dapat kumuha sila doon sa 18B para i-allot doon sa mga health workers na nangangailangan ng mga benepisyo,” ayon kay Robert. (Josephine Patricio)
The post Health workers hindi pa rin natatanggap ang benepisyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: