Facebook

Sen. Go nakiramay sa pamilya ni Ex-PNoy

NAGPAABOT ng pakikiramay si Senador Christopher “Bong” Go sa naiwang pamilya at mga kaibigan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Go na kasama nila ni Pangulong Rodrigo Duterte si PNoy noong 2010 noong tumakbo itong pangulo sa eleksyon kung saan nila ikinampanya ito dahil sa pagtanaw ng utang na loob ng noo’y alkalde ng Davao sa pamilya Aquino.

Ayon kay Go, nakakalungkot na batang edad ay pumanaw ang dating Pangulo.

Inalala naman ni Go na noon ay palagi silang nagbibiruan ni PNoy kung saan palagi siyang tinutukso dahil kamukha siya ng isang dating Cabinet Secretary.

Dagdag pa ni Go, tuwing nagtutungo ng Davao city ang dating Pangulo ay pinadadalhan pa niya ito palagi ng chilicon carne na paborito nitong kainin sa eroplano.

Tiniyak ni Go na basta payagan ng pagkakataon ay dadalaw siya sa burol ng dating Pangulo. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go nakiramay sa pamilya ni Ex-PNoy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go nakiramay sa pamilya ni Ex-PNoy Sen. Go nakiramay sa pamilya ni Ex-PNoy Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.