SA mahal na bayad o sinisingil ng iba’t ibang mga ospital na nagsasagawa ng swab test para matukoy kung sino-sino ang positibo sa COVID-19 ay malaking katulungan ngayon ang PHILIPPINE RED CROSS (PRC) sa mahihirap na sektor at maging sa ayaw magpabakuna sa ngayon para maipakitang wala silang virus…, dahil inaprubahan na ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang RT-PCR SALIVA TEST na isagawa sa buong bansa sa murang halaga lamang kumpara sa singil ng SWAB TEST.
Sa liderato ni CHAIRMAN/CEO SENATOR RICHARD GORDON ay nagawa nilang ang PRC ang nangungunanang organisasyon ngayon para sa COVID-19 Testing at ito rin ang tanging organisasyon na inaprobahan ng DOH para magsagawa ng SALIVA RT-PCR TESTS sa buong bansa.
Ang SALIVA RT-PCR TEST na siyang pinakamura, mabilis at non-invasive test para sa COVID-19 ay ang PCR based na ikinokonsiderang gold standard ngayon ng WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) para sa COVID-19 testing.
Sa kasalukuyan, ang PRC ay nakapag-test na ng kabuuang 3,307,946 o 23% sa kabuuang tests na naisagawa sa buong bansa, kumpara sa DETOXICARE at RITM na 831,191 at 534,472 lamang ang naisagawang test ng mga ito.
“We now have a total of 13 molecular laboratories capable of testing 46 thousand tests per day. As we expand our testing capacity, PRC will soon establish a new molecular laboratory in Cotabato to serve the city and its nearby provinces. The more people we test, the faster we can beat the virus. In this way, people can now safely go back to work and to their schools and we can open up the economy,” pahayag ni Chairman Gordon.
Ang SALIVA TEST ay medyo mahal pa rin para sa pangkabulsahan ng mga pangkaraniwang mamamayan dahil ang halagang P2,000 na bayad para sa SALIVA TEST ay.malaking halaga na itong kabawasan sa pangkabuhayan ng mahihirap na sektor.., gayunman, higit na murang halaga pa rin ito kumpara sa bayad o singil ng mga ospital sa isinasagawa nilang SWAB TEST na nagkakahalaga mula P3,800 hanggang P5,000+. Sa ngayon, bukod sa SALIVA TEST ay nagsasagawa na rin ng LIBRENG COVID VACCINE ang PRC.., yun nga lang, ang makakabenepisyo ng LIBRENG COVID VACCINE na ginagawa ngayon ng PRC ay laan lamang para sa mga kamag-anak ng mga nasa kategoryang A1 o yaong kamag-anak ng mga FRONTLINE WORKER.
Lalo ngayon sa sitwasyong pagharap sa pandemya ay nariyan ang nagawa pang manakot ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na ipaaaresto at ipakukulong ang mga aayaw magpabakuna (gayong wala siyang kapangyarihan sa aspetong ito).., pero nataranta ang marami sa mga umaayaw magpabakuna najj kinabukasan ay agad nagsitungo na sa mga vaccination area para magpabakuna at makaiwas sa banta ni PRES. DUTERTE.
May mga institusyon at iba’t ibang mga kompanya ang nagpapairal ng NO VACCINE NO WORK.., na isang halimbawa rito ay nagpapairal na ngayon ang GRAB MANAGEMENT na ang lahat nilang DELIVERY RIDERS ay kinakailangang magpabakuna at kung hinde magpapabakuna ay tatanggalin sa trabaho ang mga DELIVERY RIDER .., gayong mahigpit ang naging babala ni DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) SECRETARY SILVESTRE BELLO III na bawal ang gayong polisiya na labag sa batas ang pagpapairal ng mandatory vaccines para sa mga empleyado. Maging si SEN. GORDON ay hinde pabor sa mandatory vaccines dahil malaki pa rin ang respeto ng estado para sa HUMAN RIGHTS.
Kaya naman, ang PRC SALIVA TEST ay magiging malaking katulungan ngayon sa mga trabahador o empleyadong ayaw magpabakuna na sasalang na lamang ang mga ito sa proseso ng SALIVA TEST upang maipakita sa kanilang mga employer na hinde sila nagtataglay ng sakit na COVID-19.
Mga ka-ARYA.., hinde natin makokondena ang mga ayaw magpabakuna kasi sila ang tunay na MATATALINO o WAIS para sa kapakanan ng kanilang kalusugan…, dahil ang LOGIC nila ay HUMAN TRIALS STAGE pa lang ang mga bakuna at kahit mismong mga scientist na umimbento halimbawa ng SINOVAC, PFIZER, ASTRA ZENICA o ano pa mang brand ng COVID VACCINES ay wala pa ring tiwala sa kanilang naimbentong pambakuna.., kasi, kung SAFE & EFFECTIVE ang naimbento nila e alangang pauunahin pa ba nila ang ibang tao kaysa sa sarili nila gayong sinasabing nahaharap ang mundo sa peligrong idinudulot ng COVID-19? Yung mga umimbento ng bakuna e nagbakuna na ba sa sarili nila o nagpa-media coverage ba sila sa pagbabakuna ng inembento nila para sa sarili nilang proteksiyon at maipakita sa buong mundo na ang kanilang nagawang bakuna ang SUCCESS FOR COVID HUMAN VACCINES?
Kaya tiyempo ang pagkakaaproba ng DOH sa PRC SALIVA TEST na magiging solusyon ng mga ayaw magpabakuna para maipakita sa kanilang mga employer na wala silang sakit na COVID-19.., na kung tuluyan pa rin silang hinde na pagtatrabahuin e kasuhan na po ninyo sa DOLE ang inyong employer!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Pagkakaapruba ng saliva test malaking katulungan! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: