Facebook

Jueteng sa Taguig kontrolado ni alyas “John Yap”

ARAW-ARAW nag-iikot ang mga kubrador sa jueteng sa Lungsod ng Taguig.

Tatlong beses sila umiikot kada araw: umaga, tanghali at hapon.

Kubrador palang ng mga taya ng mga pangkaniwang tao, “untouchable” na sa mga pulis, barangay tano at grupo ng mga nagtatrabaho sa administrasyon ni Mayor Lino Cayetano na binansagang “Malasakit” dahil hindi sila sinisita at hindi pinagbabawalan.

Pokaragat na ‘yan!

Siyempre, ang mas matindi ay hindi sila ginagalaw, kinokonprotna at hinuhuli ng mga pulis kahit ilegal ang jueteng.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi ko alam kay Colonel Celso Rodriguez, ang hepe ng pulisya sa Taguig, kung bakit untouchable ang mga nangongolekta ng taya sa jueteng.

Nanatili sa puwesto si Rodriguez kahit pinalitan na ni Brigadier General Jimili Macaraeg sa Southern Police District (SPD) si Brigadier General Eliseo DC Cruz.

Si Cruz ay inilagay ng kaibigan nating si General Guillermo Lorenzo Eleazar sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Ayon sa source, ang gambling lord na si alyas “John Yap” ang siyang may kontrol ng jueteng sa Taguig hanggang ngayon.

Pokaragat na ‘yan!

Idiniin ng source na totoo ang kanyang impormasyon dahil hindi pa raw naaagaw sa naturang John Yap ang jueteng sa lungsod.

Hindi tulad ng jueteng sa Rizal ni alyas John Yap na nakuha na ni alyas “Renel”.

Matagal nang namamayagpag si John Yap sa Taguig hanggang Mindoro, dugtong pa ng source.

Sa palagay ko, untouchable rin ang mismong si alyas John Yap dahil ang mga nagtatrabaho sa kanya ay hindi ginagalaw, sinisita at lalong hindi dinadakip.

Sabi ng source, matatanggal lang kay alyas John Yap ang jueteng sa Taguig kung basbasan ito ng isang alyas “Reyna”.

Pokaragat na ‘yan!

Ang alyas Reyna raw na ito ay pinaniniwalang mayroong ‘kamag-anak’ at ‘kaibigan’ mga opisyal sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Si alyas Reyna na mas bantog sa tawag na “Tita” sa Laguna ay bookies ang lakad.

The post Jueteng sa Taguig kontrolado ni alyas “John Yap” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jueteng sa Taguig kontrolado ni alyas “John Yap” Jueteng sa Taguig kontrolado ni alyas “John Yap” Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.