Facebook

Dalamhati ng bansa

KABILANG kami sa mga nagdadalamhati sa pagkamatay ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Hindi namin nalilimutan ang maayos na panguluhan sa ilalim ng kanyang termino. Mabuhay ang kanyang mga alaala sa bayan.

***

MINSAN tinalakay ni PNoy ang usapin ng korapsyon sa harap ng ilang mamamahayag noong isa siyang kongresista. Masisilip sa kuwentong ito kung bakit hindi naging korap si PNoy. Hindi siya nagpayaman sa puwesto at bumaba siya sa Malacanang na walang alegasyon na ninakaw o nilustay niya ang salapi ng bayan. Turo ito ng kanyang namayapang ina na si Cory Aquino.

Ayon kay PNoy, itinuro ni Cory na mahirap maging korap bilang isang lingkod bayan dahil mag-iiba ang pananaw at takbo ng buhay sa sandaling nagnakaw ang isang lingkod bayan. Hindi na niya gagawin ang kanyang tungkulin sa serbisyo publiko. Wala na siyang gagawin sa kanyang buhay kundi itago ang ninakaw.

Iyan ang trahedya ng maraming magnanakaw sa kaban ng bayan. Nawawala ang kanilang focus sa trabaho. Ang iniisip palagi ay kung paano itatago at mapapanatili ang ninakaw na yaman. Ayon kay PNoy, itinanim ito sa kanyang isip ng ina ng nag-uumpisa siya sa kanyang political career at tinandaan niya ito sa buong buhay.

Ito ang dahilan kung bakit hindi siya naakit kailanman sa salapi ng bayan. Hindi siya nahigop ng bato-balani ng kaban ng bayan; hindi siya nangahas na galawin ang hindi kanya. Itinuro niya ang mga aral ng katapatan at integridad sa serbisyo publiko.

***

DUMALOY ang santambak na pahayag at papuri ng kung sino-sino, kilala o hindi kilala, kay PNoy sa anim na taon niyang termino bilang pangulo ng bansa. Pinatatag niya ang pambansang ekonomiya, pinalakas ang mga institusyong demokratiko, kinilala ang pangingibabaw ng batas sa kanyang tungkulin, at ipinakita ang walang kaparis na katatagan ng loob at katapangan ng dalhin niya ang usapin ng pangangamkam ng China sa teritoryo ng Filipinas sa Permanent Arbitration ng UNCLOS – at nanalo.

Kinilala ng mundo ang panalo ng Filipinas sa pandaigdigang hukuman tungkol sa mga usapin ng iba’t ibang bansa sa karagatan. Ito ang basehan ngayon ng malayang paglalayag sa South China Sea na pilit na kinamkam at Inaangkin ng China na kanila. Hindi makapalag ang China sa patuloy na paggamit ng sasakyang pandagat ng maraming bansa sa South China Sea bilang bahagi ng pandaigdigang kalakalan.

Kung hindi dinala ng gobyerno ni PNoy ang usapin sa UNCLOS, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa pandaigdigang kalakalan. Pilit na iginiit ng China na pag-aari nila ang South China Sea sa ilalim ng pinagtatawanan na teoryang Nine-Dash Line. Malaking sugal ang ginawa ni PNoy nang dalhin niya ang usapin sa UNCLOS.

***

QUOTABLE QUOTES: “We stood up to China because it was the right thing to do.” – PNoy

“We have proven our capacity to fight for democracy. We have shown that we can take back democracy when it is stolen from us. Now, let us prove that we can continue making democracy work for the benefit of our people. We have achieved everything we are enjoying today while respecting the process, the law, as well as the rights of each person. We did this without silencing anyone, and while valuing the freedom that those before us fought for. We firmly believe in this principle: That there can be no true progress if we surrender our dignity and our rights… To the Filipino people: May we never lose our patience with the ways of democracy, and may we never take it for granted or be passive in its defense.” – PNoy

“Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea, upang masigurong sa mga susunod na pagkakataon ay hinahon at pagtitimpi ang maghahari tuwing may alitan sa teritoryo.” – PNoy

“We pursued all those who committed wrongdoing – regardless of their power, wealth, or influence. As you may have guessed, tangling with these very wealthy individuals and sectors with vested interests was not an easy task. But those in our administration were not shaken: Dismantling the culture of corruption was a promise we made to the people. If we truly wanted to improve the lives of our people, we could not possibly shirk away from this challenge. We had to take on all those who had a misplaced sense of entitlement – who believed that they had more rights than their fellow Filipinos.” – PNoy

***

ANG mga sinabi tungkol kay PNoy: “He was a good man. He never asked for any favor from any of his appointees in the judiciary. He may have been initially so frustrated with our ruling in the DAP case but eventually he accepted it. He was the only living president I knew who actually championed the independence of the judiciary. He was a good, honorable man.” – Chief Justice Ma. Lourdes Sereno

“If there is anything I will remember President Noy for, it was his immense respect for the Law. He believed in and lived by the Rule of Law.” – Justice Benjamin Caguioa

“Somebody sees an emerging & snowballing Noynoymania in social media and other venues of public discourse. Why not? We’re in need of a sane and decent leader. There’s no way to play it down. By the time he will be buried, we’ve a nation, which is not just in grief, but up in arms. And Malacanang can’t stop it.” – PL, netizen

***

MAY pahayag ang Akbayan Party List sa kamatayan ni PNoy: “Akbayan partylist joins the Filipino people in mourning the passing of President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III. Our heartfelt condolences go out to the Aquino family. PNoy’s term in office represented the people’s challenging transition from nine years of misgovernance – marked by election fraud, political turmoil and massive corruption, to a period where the people had opportunities to reclaim badly-damaged democratic institutions and create spaces to push for needed reforms and for the people to genuinely participate in governance.

“Akbayan had the opportunity to work alongside PNoy’s administration as a coalition partner. And while we did not always see eye to eye on issues, the intense debates and exchanges did yield gains. There is the historic ruling by the Permanent Court of Arbitration in the Hague awarded to our country against China in the West Philippine Sea. There is also the 2011 ratification of our country’s membership in the International Criminal Court, as well as the passing of the Reproductive Health Law, the Bangsamoro Basic Law, the Marcos Compensation Law and holding to account several corrupt public officials. “

The post Dalamhati ng bansa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalamhati ng bansa Dalamhati ng bansa Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.