Facebook

Piskal tinadtad ng bala sa Isabela

APAYAO – Mariing kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) North Luzon ang pagpaslang sa isang fiscal na nakatalaga sa lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang biktima na si Fiscal Victor Begtang Jr., residente ng Barangay Malama, Conner, Apayao at nakatalaga bilang Deputy Ilagan City Prosecutor.

Sa ulat, 2:30 ng hapon ng Miyerkules, Hunyo 23, nang pagbabarilin ng riding in tandem criminals malapit sa kanyang tahanan ng biktima.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng hindi pa mabatid na uri ng baril ang fiscal.

Naisugod pa ang fiscal sa Conner District Hospital ngunit binawian din ng buhay.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Rey Velasco)

The post Piskal tinadtad ng bala sa Isabela appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Piskal tinadtad ng bala sa Isabela Piskal tinadtad ng bala sa Isabela Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.