Facebook

Baha sa Cotabato hanggang leeg: 2 minero sugatan sa landslide, 200 pamilya lumikas

SUGATAN ang dalawang minero nang matabunan ng lupa sa nangyaring landslide sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Onyok Angkoy, 36 anyos; at isang alyas Toto, kapwa residente ng Sitio Mangga, Barangay Tibolok, Tboli.

Ayon sa mga biktima, dahil sa lakas ng buhos ng ulan ay hindi nila namalayan na gumuho ang lupa kaya natabunan sila.

Mabuti na lamang at natulungan ang mga biktima na agad dinala sa South Cotabato Provincial Hospital.

Ayon kay Mayor Floro Gandam ng Lake Sebu, dalawang barangay din sa kanilang bayan ang naapektuhan ng landslide kungsaan pahirapan ang daan sa Barangay Maculan dahil sa gumuhong lupa.

Samantala, nananatili sa municipal gym ang halos 200 pamilya na apektado ng malawakang baha sa bayan ng Norala, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Aiza Lim ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon kay Lim, ang nasabing mga pamilya ay nagmula sa anim na apektadong barangay na kinabibilangan ng Barangay Lapuz, San Jose, Liberty, Matapol, Dumaguil at Simsiman na lumikas dahil sa lampas beywang na tubig-baha.

Sa katunayan, may mga pamilyang ni-rescue dahil sa lakas ng agos ng baha nang umapaw ang tubig sa Banga River.

Ganoon din ang sitwasyon ng mga residente sa Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato kung saan may mga pamilya rin na inilikas dahil sa baha na natulog sa municipal gym.

Abot hanggang leeg naman ang baha sa ilang purok sa Barangay New Iloilo kaya’t may mga sinaklolohan din ang MDRRMO-Tantangan.

The post Baha sa Cotabato hanggang leeg: 2 minero sugatan sa landslide, 200 pamilya lumikas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Baha sa Cotabato hanggang leeg: 2 minero sugatan sa landslide, 200 pamilya lumikas Baha sa Cotabato hanggang leeg: 2 minero sugatan sa landslide, 200 pamilya lumikas Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.