TAGA-Davao City si Tonette Tionko at pamangkin siya umano ni Melchor Quitain, dating konsehal at city administrator noong si Rodrigo Duterte ang alkalde ng siyudad sa katimugan. Isa siyang abogada na may reputasyon sa taxation, o buwis. Isa siyang CPA na umangat at naging partner sa pamosong SGV, ang pangunahing kumpanya ng bansa sa pagtatasa, accounting at auditing. Maraming lingcod bayan ang nanggaling sa SGV.
Isa si Tionko sa mga undersecretary ni Sonny Dominguez, ang kalihim ng pananalapi, na ang pangunahing trabaho sa gobyerno ni Rodrigo Duterte ay mangalap na sapat na kita, o buwis upang itustos sa gobyerno na ginapi ng kahirapan at kamalasan dahil sa pandemya at kawalan ng kakayahan at direksyon ng presidente. Pinagtitiwalaan siya ni Dominguez bagaman may hindi magandang reputasyon si Tionko sa kabastusan at kawalan ng galang at modo sa mga lider ng industriya at sektor na pinagkukunan ng buwis ng gobyerno.
Kamakailan, kasama ni Antonette Tionko sa mga abugado sa pagpipilian ng Judicial and Bar Council (JBC) upang irekomenda na humalili sa puwestong mahistrado na iniwan ni Alexander Gesmundo ng hirangin ni Duterte bilang punong mahistrado ng Korte Suprema. Hindi namin alam kung mayroon nagnomina kay Tionko upang maging mahistrado ng kataas-taasang hukuman ng bansa. Batay sa isang kritiko, aplikante si Tionko. Inilatag ang sarili na kahalili ni Gesmundo.Walang masama na maging aplikante. Mahalaga ang katangi-tanging kaalaman sa batas.
Hindi katangi-tangi ang record ni Tionko sa limang taon sa DoF. Hindi lumaki ang koleksyon sa buwis ng bansa. Naghihingalo ang kaban ng bayan at nabubuhay ang bansa sa pangungutang ng gobyernong Duterte sa loob at labas ng bansa. Nararamdaman ng bayan ang ibayong kahirapan upang mabuhay lalo na sa panahon ng pandemya. Hindi namin alam ang record ni Tionko bilang isang manananggol. Hindi namin alam ang mga kasong naipanalo niya sa husgado.
Noong Huwebes, isa si Tionko sa mga isasalang sana sa isang panayam ng mga kasapi ng Judicial and Bar Council (JBC). Isang kalipunan ng mga manananggol ang JBC and trabaho nito sa ilalim ng Saligang Batas ang mga magnomina sa nakaupong pangulo mula sa pulutong ng mga aplikante ang mga susunod na mahistrado at hukom ng Hudikatura. Trabaho ng JBC na maghanda ng listahan ng mga taong maaaring ilagay ng pangulo sa Hudikatura.
Hindi naisalang si Tionko sa panayam ng mga mapanuring kasapi ng JBC noong Huwebes. No show – hindi siya nagpakita o nagparamdam. Hindi siya nagbigay ng paliwanag sa JBC. Sa ilalim ng alituntunin ng JBC, kinakapanayam ang bawat kandidato sa mahistrado ng Korte Suprema upang matantya ang kahandaan at kwalipikasyon sa puwesto. May pahiwatig na maaari siyang umatras. Mabigat ang laban sapagkat natapat siya sa mga ilang kandidato na pawang kuwalipikado.
Gayunpaman, matindi ang oposisyon kontra sa kanyang nominasyon. May ilang disgustadong kritiko na hindi kumporme na hirangin siya sa Korte Supreme. Nangunguna ang Federation of Independent Textile Millers , Inc. , isang samahan ng mga kumpanya na ang hanapbuhay ay gumawa ng tela na ginagamit ng mga gumagawa ng damit na iniluluwas sa ibang bansa. Nandiyan ang isang supervising tax specialist na si Enrico Dural ng One Stop Shop Interagency Tax Credit and Duty Drawback (OSS-Center) kung saan si Tionko ang supervising undersecretary at chair ng Executive Committee.
Isang opisyal na sulat ang ipinadala sa JBC ni Chan Yan Chit, presidente ng Federation, noong ika-26 ng Mayo, at sinabi ng Federation na tinututulan nila si Tionko sapagkat may kakulangan siya sa kakayahan at integridad upang gampanan ang tungkulin ng isang mahistrado. Binanggit ng Federation ang kanilang masamang karanasan kay Tiongko na hindi sila binigyan ng pagkakataon ng makausap man lamang tungkol sa isyu ng tax credit certificate (TCC) bagaman siya ang inatasan ni Sonny Dominguez upang harapin ang suliranin.
Humingi sila ng harapang pag-uusap, ngunit hindi sila pinagbigyan ni Tionko. Hindi siya sumagot sa anumang hiling ng pag-uusap. Hindi siya nagbigay ng dahilan sa hindi pagtugon sa hiling. Dahil sa kawalang aksyon ni Tionko, may mga kasaping kumpanya ang Federation na pawang nalugi at nagsara. Hindi tinukoy ng diretso ng Federation ang hindi pagkilos ni Tionko, ngunit masisilip ang kabastusan at kawalang galang ni Tionko sa mga stakeholder na walang hangad kundi mapabuti ang kanilang hanapbuhay. Hindi ipinaliwanag ni Tionko kung lehitimo o hindi ang kanilang hanapbuhay.
Kilala si Tionko na hindi basta nakikipag-usap sa mga stakeholder at kapwa empleyado sa gobyerno. Ito ang reklamo ni Enrico Dural sa isang liham na ipinadala sa JBC noong isang linggo. Tinawag niya na “sinungaling” si Tionko at may ilang beses na nagsinungaling si Tionko kay Dominguez at publiko. Hiningi ni Dural na huwag isama sa irerekomenda ng JBC kay Duterte upang hirangin sa Korte Suprema. May ilan na nagsasabi na maaari siyang hirangin sa Commission on Audit kung saan matatapos ang termino ni Michael Aguinaldo sa Marso.
***
HANGGANG ngayon, pinipilit ni Rodrigo Duterte na malimutan ng mga Filipino na pinasok nas ng China ang ating teritoryo. Nasasaktan siya kapag tinatawag na taksil sa bayan. Pero alam naman natin na kampi sa China at nasa China ang kanyang damdamin at simpatiya. Pakibasa an gaming isinulat noong nakaraang buwan nang mainit na mainit ang usapin sa West Philippine Sea:
DUTERTE RECOGNIZES CHINA’S CLAIM OF OWNERSHIP OVER SOUTH CHINA SEA, PHL EEZ
Duterte’s previous statements and soliloquys have established several things: First, he refuses to recognize the Philippine victory in the 2016 decision of the Permanent Arbitration Commission of the UNCLOS. In that decision, the Commission has thrown out the Nine-Dash Line theory, which serves as basis for the claim. Hence, China’s claim of historic right and presence in South China Sea is considered fiction.
He likewise does not recognize the UNCLOS’s decision as part of the international law. It is the basis of the many countries’ exercise of their freedom of navigation. Even the U.S. acknowledges the decision as basis of its return to Asia.
Second, because of his refusal to acknowledge the UNCLOS decision, Duterte ipso facto recognizes China’s ill-reputed, ridiculous Nine-Dash Line theory as the basis of China’s claim of ownership over almost the whole South China Sea. This is an outrageous sellout to the Chinese. It could be said that Duterte is not recognizing the UNCLOS decision and international law. This is not only outrageous but it could be regarded as an act of treason.
Third, Duterte’s claim that China would subject us to an attack if we oppose the incursions into our territory over our EEZ has no basis. There is diplomacy. Civilized nations practice diplomacy. They talk to iron out differences and details of issues. The use of force is a big no-no in the modern world. Tinatakot lang tayo ni Duterte. It’s called a bogeyman.
Sonny Trillanes was correct to describe as “very weak” the PHL foreign policy on China under Duterte. Its policy of appeasement toward China means following China’s whims. Duterte is China’s stooge in the PHL.
The post ‘Bastos,’ ‘sinungaling’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: