PINAG-AARALAN ng pamahalaang lungsod ng kabisera ng bansa na sa lugar ng kanilang trabaho bakunahan ang mga night shift workers ng lungsod.
Pero nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na maaaring lamang gawin ito kung ang kinauukulan ay qualify sa priority list na ibinigay ng mga awtoridad ng national government.
“We can go to their offices if they are working in the night shift…they too will be accommodated, depending on the circumstances,” sabi ni Moreno.
“Hahabulin natin ang oras kasi baka masama ang epekto ng pagbabakuna kapag puyat.” Dagdag pa ni Moreno.
Ayon sa alkalde ay binibigyang konsiderasyon niya ang mga panggabi na gustong magpabakuna, kaya lamang ay hindi makapunta sa vaccination site dahil tulog sila sa umaga.
Nagsisimula ang pagbabakuna sa Maynila kapag may supply ng bakuna sa ganap na ala-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. Ito ay first-come, first-served basis kung saan sina Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang siyang punong abala sa mass vaccination program ng lungsod.
“Kami sa pamahalaang-lokal ng Maynila, all we want is to vaccinate and vaccinate and help the people survive the pandemic,” pagbibigay diin ni Moreno kasabay ng giit nito na laging mayroong panahon sa bawat bagay, kabilang na ang pulitika.
Hanggang June 3, sinabi ni Moreno na ang pamahalaang lokal ng Maynila ay nakapag-deploy na ng 283,318 vaccines. Sa nasabing bilang, 202,788 ay first dose habang 80,530 ang second dose.
Ang mga pre-registered para sa free vaccine kontra COVID-19 ay umakyat na ng 564,941 hanggang June 3. (ANDI GARCIA)
The post Night shift workers sa Maynila sa trabaho babakunahan — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: