Facebook

Batas na magpapalakas sa One Hospital Command inihain ni Rep. Angelina ‘Helen’ Tan

ISANG batas na layunin na mag-estabilisa ng national patient navigation and referral system at magpalalakas sa probisyon ng health care delivery system ang inihain ngayon sa House of Representatives.

Si Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, principal author ng House Bill No. 9633 at Chairperson ng Committee on Health, ay nagsabi na ang inihaing batas ang naglalayong mag-institutionalize at palawakin ang sakop ng One Hospital Command System sa pamamagitan ng pagtatatag ng National Patient Navigation and Referral System (NPNRS) upang tulungan ang mga pasyente na malaman ang iba’t ibang level ng health system.

Ang hakbang ay magpapalakas at magpapalawak din sa umiiral na One Hospital Command Center (OHCC) sa pagtatatag ng National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC) na siyang magbibigay ng link sa Malasakit Centers sa lahat ng health facilities upang magkaroon ng financial risk protection, lalo na sa mga mahihirap at walang kakayahang pinansyal na pasyente.

‘The NPNRS is designed to support, strengthen, and facilitate the provision of health services of primary care providers acting as the navigator, coordinator, and initial and continuing point of contact in the health care delivery system pursuant to Republic Act No. 11223, otherwise known as the “Universal Health Care Act”. This important legislation serves as a complementary measure to the UHC law’, paliwanag ni Tan.

Sinabi ni Health Undersecretary and COVID-19 treatment czar Leopoldo Vega na ang OHCC ay dapat na maging “coordinated referral for all” sa buong bansa, lalo na ngayong hirap ang bansa dahil sa pandemya.

Ang Department of Health (DOH) at Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ay opisyal na inilunsad ang OHCC sa MMDA Arena sa Makati City noong 2020.

Ang One Hospital Command ang kasalukuyang nag-aasikaso ng komprehensibong tugon sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng epektibo at episyenteng referall sa mga health facility sa Metro Manila, sa ganitong paraan nababawasan ang oras ng paghihintay ng mga pasyente dahil mayroon ng silang tamang health facility na pupuntahan na mangangalaga sa kanila.

Kapag naisabatas na, ang NPNRS ay magsisilbing suporta at magpapalakas sa mga province-wide at city-wide health care provider networks sa buong bansa; ito rin ang mag-aasikaso ng vertical at horizontal linkages at gagawa ng koordinasyon sa local government units, hospitals, infirmaries, at iba pang health facilities, telehealth service providers, local at national government agencies upang ma-maximize ang gamit nang limited health resources at papag-ibayuhin ang access sa quality health services para sa mga pasyente.

Ito rin ang magsisilbing gabay sa pagbibigay direksyon sa mga pasyente at bantay upang matiyak ang makatwiran at episyenteng gamit ng umiiral na health resources, kokoneta at mag-aasikaso ng mga pakikipag-usap sa mga ospital, infirmaries at iba pang health facilities, telehealth service providers, local and national government agencies para mapabuti ang access sa quality health services ng pasyente at ipatupad ang patient navigation services and referral mechanisms na tutulong sa pasyente na malaman ang tamang health facility para sa kanya at makatanggap ng quality health service anumang oras at alinsunod sa papel ng primary care providers sa health systems gatekeeping mechanism.

Ang nasabing panukalang batas ay nakatakdang magpalalas ng kasalukuyang tugon ng OHCC na mag-facilitate ng medical transport at patient pick-up arrangements, magkaloob ng health system capacity data analytics at risk communications, at i-optimize ang gamit ng critical care services sa bawat ospital hindi lamang sa Metro Manilla kundi sa buong bansa sa pagtatatag ng Regional Patient Navigation and Referral Units (RPNRUs) na magsisilbing tagapagpatupad ng NPNRC sa lahat ng rehiyon upang mapabuti ang healthcare.

The post Batas na magpapalakas sa One Hospital Command inihain ni Rep. Angelina ‘Helen’ Tan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Batas na magpapalakas sa One Hospital Command inihain ni Rep. Angelina ‘Helen’ Tan Batas na magpapalakas sa One Hospital Command inihain ni Rep. Angelina ‘Helen’ Tan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.