Facebook

Ando patuloy ang training sa Cebu City

IPAGPATULOY ni Tokyo Olympic-bound weightlifter Elreen Ando ang kanyang araw araw na training sa Cebu City upang paghandaan ang kanyang Olympic debut sa susundo na buwan sa Japan.

Si Ando ay nakuha ang Olympic spot sa 64-kilogram women’s category via continental ranking’s ay sinabi na nag-eensayo na siya sa kanyang coaches bago lumabas ang istorya na nasungkit ang No.12 spot sakanyang division.

“Nagpe-prepare na din kasi ako for the Southeast Asian Games,” Wika ni Ando “So tuloy lang kung ano yung ginagawa namin dito sa Cebu.”

“Pero siyempre medyo mas mataas na level yung training and preparation kasi Olympics ito. Kailangan talaga mag-prepare kasi ayaw naman natin na kasali lang tayo, gusto maganda din yung maging performance.”

Huling sumabak si Ando sa Asian Championship sa Uzbekistan, na nagsilbing continents Olympic Qualifying Tournament (OQT) Ang 22-anyos Ando ay nagwagi ng dalawang silvers at bronze.

Nakuha ni Ando ang puntos para makapasok sa contnental rankings, ang nagbigay sa kanya ng tsansa na makapasok sa weightlifting participants para sa Tokyo Olympics na nakatakda sa July 2 toAugust 8.

Si Ando ang pangalawang weighlifter na nakakuha ng ticket sa Tokyo Olympics, at samahan si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, na sasabak sa 55-kg women’s category.

Ang iba pang miyembro ng Philippine Team sa Tokyo Olympics ay sina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Caloy Yulo, boxer Eumir Marcial,Irish Magno, Carlo Paalam, at Nesty Petecio, taekwondo jin Kurt Barbosa,Chris Nievares,skateboarding Margielyn Didal at air rifle shooter Jayson Valdez.

The post Ando patuloy ang training sa Cebu City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ando patuloy ang training sa Cebu City Ando patuloy ang training sa Cebu City Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.