Facebook

SEA Games federation magpupulong bukas

MAGPUPULONG ang Southeast Asian (SEA) Games federation para malaman ang kahihinatnan ng biennial event na gaganapin sa Vietnam.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, ang chef de mission to the Vietnam SEA Games, isasagawa ang pagpupulong sa darating na Hunyo 24.

Kabilang sa dadalo sa pulong sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at iba pang mga National Olympic Committe (NOC) members.

Iikot ang nasabing pagpupulong kung tuluyan bang ipagpapaliban ng host country na Vietnam ang nasabing torneyo.

Unang ginanap ang pagpupulong noong Hunyo 9 ng unang magdesisyon ang Vietnam na ipagpaliban ang malaking sporting event sa Southeast Asia.

The post SEA Games federation magpupulong bukas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SEA Games federation magpupulong bukas SEA Games federation magpupulong bukas Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.