Facebook

‘Best Covid-19 testing policy’

VERY GOOD daw ang grado ng Pilipinas sa usapin ng Covid-19 response.

Sinasabing taglay ng ating bansa ang ‘best testing policy’ sa buong Asya.

Nahigitan na raw kasi ng bansa ang testing capacity na inirerekomenda ng World Health Organization (WHO).

Well, maganda naman ang testing efforts ng gobyerno.

Bagama’t marami pang kailangang ayusin, aba’y pinaiigting na rin sa kasalukuyan ang contact tracing ng pamahalaan.

Bunsod nga nito, nakatanggap din ng papuri at pagkilala ang ating Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan 1) bilang isa sa mga best practices sa buong mundo.

Binanggit kasi sa report ng independent watchdog International Budget Partnership (IBP) na nakabibilib ang pagsisikap ng administrasyong Duterte na harapin ang pandemya sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Bayanihan 1.

Aba’y maganda rin daw ang lingguhang ulat ng mga eksperto upang masiguro ang maayos na implementasyon ng ating mga response programs.

Kung hindi ako nagkakamali, itinataguyod ng IBP ang transparent, inclusive, at accountable budget process sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Kahanay ng Pilipinas sa antas ng accountability ng fiscal policy responses ang tatlo pang bansa tulad ng Peru, Australia at Norway.

Maaalalang naisabatas ang Bayanihan 1, ang kauna-unahang economic recovery plan upang labanan ang delubyong dulot ng Covid-19, sa ilalim ng panunungkulan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Samantala, dumarami at bumibilis daw ang pagsirit ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa Mindanao sa mga nakalipas na linggo.

Kung titingnang maigi, ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau officer-in-charge Dr. Alethea De Guzman, nahigitan na raw ng Lupa Pangako ang National Capital Region (NCR).

Maging ang Luzon ay nagpapakita rin daw ng mabilis din na pagtaas ng bilang ng mga impeksiyon.

Unti-unti naman daw ang pagtaas ng ‘weekly average’ ng mga kaso sa buong bansa na nagpapakita na mahalagang panatilihin ng publiko ang pagsunod sa ‘minimum health standards’ at implementasyon nito ng mga awtoridad.

Hindi man perpekto at mukhang hindi pa natutupad ang pangakong magkaroon ng ‘no home quarantine’ sa bansa, nadaragdagan naman ang ating mga isolation o quarantine facilities.

Hindi rin nagkukulang ang pamahalaang Duterte sa paglalaan ng pondo para sa testing kits, medical supplies, at iba pa.

Nakabibilib naman talaga ang pagsisikap ng national government na mapababa ang mga kaso ng Covid-19.

Nagtatrabaho ito nang husto at ginagasta ang halos lahat ng pondo para maibaba ang virus transmission.

Nawa’y magtuloy-tuloy ang magandang improvement na ito sa Covid-19 response ng gobyerno upang tuluyan nang masugpo ang virus.

* * *

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post ‘Best Covid-19 testing policy’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Best Covid-19 testing policy’ ‘Best Covid-19 testing policy’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.