SA isyung MOTOR VEHICLE INSPECTION REGISTRATION SYSTEM (MVIRS) na gustong ipairal ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) subalit ipinasuspinde ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE dahil sa reklamo ng mga motorista ay mismong mga opisyales pala ng naturang ahensiya ang magkakasalungat sa kanilang ipinaiimplementa.
Isa sa mga opisyal na kontra sa sistema ng MVIRS ay si LTO TRANSPORTATION REGULATION OFFICER CHIEF ATTY. MERCY JANE PARAS-LEYNES dahil sa mga kuwestiyonableng sistema ng STEERING COMMITTEE patungkol sa inspection program.
Halimbawa sa hinde sinasang-ayunan ng naturang opisyal ay ang “ACCEPTANCE COMMITTEE” na tinatakang “PASSED” sa evaluation sheet base sa module pero sa katotohanan ay hinde naman pumasa ito.., na ang function ng ACCEPTANCE COMMITTEE ay hinde dapat ipinauubaya na lamang sa module requirements ng STEERING COMMITTEE.
Ang ibang dokumento na nagsasaad sa “CERTIFICATE OF COMPLIANCE” na may petsang March 12, 2021 ay hinde kabilang sa nasabing requirement at ayon sa pagpupunto ni ATTY. LEYNES ay kinakailangang tugma dapat ang proposed solution for the module para sa MVIRS na ipinaiiral ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION at ng LTO.
Bunsod sa “dissenting opinion” ni ATTY. LEYNES sa pamamalakad ni LTO CHIEF EDGAR GALVANTE sa pamamagitan ni EXECUTIVE DIRECTOR.ROMEO VERA CRUZ ay maikokonsiderang peligro sa pagsasakatuparan ng MVIRS.., na ang reyalidad nito o ang kapalpakan ng sistema ay ipinupukol naman sa umano’y kawalang-kakayahan ng DERMALOG JOINT VENTURE CORPORATION para sa “SEAMLESS INTEGRATION OF THE IT SYSTEM” patungkol sa vehicle registration matapos isalang sa inspection ng MVIRS ng DOTr.
Teka.., mukhang magkaka-benggahan o magbabanggan ba ngayon ang mga LTO OFFICIALS dahil may mga hinde pumapabor sa sistemang gustong ipairal ng DOTr at ng LTO?
Sabagay, ang isyu ng MVIRS ay binatikos nitong mga nagdaang buwan ni SENATE PUBLIC SERVICES COMMITTEE CHAIRMAN SENATOR GRACE POE dahil sa ginawang aksiyon ng DOTr na pagsasapribado sa operasyon ng mga MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS.., na inalmahan naman ng mga motorista dahil sa dagdag at taas na bayarin sa pagpapasiyasat ng mga sasakyan.
Bunsod sa mga kuwestiyonableng sistema ay inerekomenda pa ni POE na isailalim sa pagsisiyasat ng BLUE RIBBON COMMITTEE na pinamumunuan ni SENATOR RICHARD GORDON dahil sa mga anumalyang pumapaloob sa accreditations ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) at ng ilang mga opisyal sa nasabing ahensiya.
Isa sa “kaanumalyahan” ay ang pagpapahintulot ng DOTr at ng LTO na ang kanilang mga empleyado ay maaaring magkaroon ng sariling PMVIC basta hinde sila kabilang sa ACCREDITATION COMMITTEE.
Eto pa, ang PMVIC ay P50,000 lamang kada-taon ang kanilang LICENSING FEE gayong ang projected income ng PMVICs ay tumataginting na P40 milyon.
Wow…, matindeng kutsabahan to ng 2 ahensiya na ayon sa mga motorista ay hinde dapat na isinasa-pribado ang motor vehicle inspection at sa halip ay trabaho ito mismo ng gobyerno na dapat gampanan…, ika nga ng mga motorista ay marapat lamang na tuluyang ipagbawal ang pagsasa-pribado dahil ang iiral ay ang kurapsiyon at ang simpleng mamamayan naman ang magdudusa sa naturang sistema.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post LTO officials nagbabanggaan? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: