Facebook

2 ANAK NA BABAE PINATAY NI TATAY DAHIL SA KALASINGAN!

DAHIL sa kalasingan napatay sa saksak ng isang ama ang kanyang dalawang anak na babae na edad 8 at 9 taon sa Barangay Western Poblacion, Baras, Catanduanes.

Sa ulat ng Baras Municipal Police Station, 10:30 ng gabi ng Lunes nang itawag sa kanila ng isang ginang ang pagpaglaslang ng kanyang mister sa kanilang mga anak.

Sa pagresponde ng pulisya ay nadatnan nila ang mga nakahandusay at duguang katawan ng mga batang babae na may mga saksak sa katawan.

Nang arestuhin ng mga pulis ang salaring ama na si alyas “Ron”, 45 anyos, nanlaban ito, inatake ang mga pulis gamit ang kutsilyo kaya napilitan ang isang pulis na barilin ito sa kanang hita.

Isinugod ang mga bata at ang salarin sa Bato Maternity Hospital ngunit hindi na pinalad mabuhay ang magkapatid. Ang salaring ama naman ay guwardiyado ng mga pulis habang nagpapagaling sa ospital sa Virac.

Ayon kay Police Corporal Edwin Molod ng Baras MPS, nasa impluwensya ng alak ang ama nang gawin nito ang krimen.

The post 2 ANAK NA BABAE PINATAY NI TATAY DAHIL SA KALASINGAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 ANAK NA BABAE PINATAY NI TATAY DAHIL SA KALASINGAN! 2 ANAK NA BABAE PINATAY NI TATAY DAHIL SA KALASINGAN! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.