Facebook

‘Murder’ naisampa na sa pulis na walang awang bumaril sa lola

KINUMPIRMA ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na nasampahan na ng kasong ‘Murder’ si Police Master Sergeant Hensie Zimpanan, ang walang awang bumaril sa 52-anyos lola sa Barangay Greater Fairview, Quezon City nitong nakalipas na Linggo ng gabi.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, pormal nang naisampa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) sa Prosecutor’s Office ng Quezon City ang kaso.

Titiyakin din nito na aapurahin ang dismissal proceeding ng akusado na maaaring tumagal lamang ng 20 araw.

Gumugulong narin ang pre-charge investigation laban kay Zimpanan dahil umayaw na itong maghain ng kontra-salaysay.

Lunes, Mayo 31, bandang 9:00 ng gabi nang maganap ang pagpatay kay Lilibeth Valdez, 52 anyos.

Nakunan ng isang netizen ng video ang buong pangyayari. Kaya nang i-upload ito sa Facebook ay kaagad nag-viral at napanood ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar.

Ang pulis ay hindi naka-duty at lasing nang mangyari ang krimen.

The post ‘Murder’ naisampa na sa pulis na walang awang bumaril sa lola appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Murder’ naisampa na sa pulis na walang awang bumaril sa lola ‘Murder’ naisampa na sa pulis na walang awang bumaril sa lola Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.