Facebook

Tatakbo nga… si ‘Inday’ Sara

TOTOO ang ibinunyag ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na tatakbong PRESIDENTE ang anak na babae ni Pangulong “Digong” Duterte na si Davao City Mayo “Inday” Sara Duterte sa ‘Halalan 2022’.

Ibinalita ni Salceda na nag-usap na sila ni Inday Sara tungkol sa mga plano at nakipag-alyansa na ito sa ilang partido.

Kahit trapo at political butterfly itong si Salceda ay naniniwala ako sa kanyang isiniwalat sa media. Dahil ako man ay tinawagan ng grupong direkta kay Inday Sara mula mismo sa Davao City na sumama sa kanilang mga miting via Zoom.

Kahit noong 2016 ay tinawagan din ako ng nasabing grupo sa pagtakbo ni Digong lalo nang magsagawa sila ng ‘miting de avance’ sa Moriones, Tondo. Pero ako’y nasa probinsiya noon. At kung sa Maynila man ako ay hindi parin ako sasama. You know!!! Hehe…

Kaya ko naman nasabi na trapo at political butterfly itong si tukayong Salceda ay dahil bigla itong nang-iiwan sa ere tulad ng ginawa niya noong palubog na si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, tumalon siya sa sumulpot na Noynoy Aquino. Pero nang patagilid na si Noynoy sa huling taon ng termino nito at umaarangkada ang noo’y VP Jojo Binay, tumambling siya kay Binay. Ngunit nang magiba si Binay ng mga atake ng kalaban at bumango ang mga boladas ni Duterte, nilayasan niya si Binay at todo suso na kay Digong. Kaya ‘wag magkumpiyansa si Inday Sara kay Salceda, may pagka-Inday rin ito. Ehek!

Halata naman na kakasa talaga si Inday Sara sa ‘Presidential Derby 2022’. Ang pag-iikot nationwide ng kanyang supporters mula pa last year ay indikasyon na ng kanyang mga plano sa darating na halalan.

Ang pag-anunsyo ni Salceda sa pagtakbo ni Sara sa 2022 ay kasunod ng pagpunta ng magkapatid na Bongbong at Imee Marcos sa kaarawan (birthday) ni Inday Sara sa Davao City few days ago.

Kaya posibleng Sara-Bongbong ang tandem.

Si Bongbong ay natalo na sa pagtakbong VP nang ma-ging running mate siya ni late Sen. Miriam Defensor-Santiago noong 2016. Ang running mate naman noon ni Duterte ay si Alan Peter-Cayetano.

Natalo si Bongbong ng higit 200,000 boto kay Robredo. Natalo uli si Bongbong kay Robredo sa election protest sa Korte Suprema. Kaya ganun nalang ang galit nila kay Justice Marvic Leonen na siyang naghimay sa kaso. Sinampahan nila ng ‘impeachment complaint’ si Leonen. Kaso binasura agad ng House Justice Committee dahil puros “dampot” lang ang kanilang dokumento. Aray ko!

Kapag nagkataon, si Inday Sara na ang pangatlong anak ng Presidente na naging lider din ng Pilipinas pagkatapos nina Gloria Macapagal-Arroyo (anak ni late Pres. Diosdado Macapagal), at Noynoy Aquino na anak ni late Pres. Cory.

Si Marcos ay posible rin maging presidente tulad ng kanyang diktador na ama (Ferdinand) kung ngayon siya tatakbo. Pero kung Vice lang siya ngayon ni Inday Sara at sa 2028 pa siya kakasa sa pagka-pangulo, malabo na mangyari iyon dahil gurang na siya noon at maraming bata na mahuhusay na maaring tumakbo that time.

Kaya kung gusto ni Bongbong na maging lider din ng Pilipinas tulad ng kanyang ama, lumaban na siya sa 2022 or else hanggang pangarap nalang ang pagbalik nila sa Malakanyang. Mismo!

Si Inday Sara puede pa ‘yan sa 2028 dahil bata pa.

Anyway, ang malamang na makabangga ni Inday Sara sa 2022 ay si VP Leni Robredo, walang duda!

Malalaman natin ito sa Hunyo 12. Abangan!

The post Tatakbo nga… si ‘Inday’ Sara appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tatakbo nga… si ‘Inday’ Sara Tatakbo nga… si ‘Inday’ Sara Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.