Facebook

2 chef nagtalo sa ebak ng pusa: 1 patay

PATAY ang isang cook ng Land Transportation Office (LTO) nang saksakin ng kanyang kabaro nang magtalo sa “tae ng pusa” sa kanilang tahanan sa Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Rizaldy Panoga Rosaldo, 43 anyos, walang asawa, tubong Olongapo City at naninirahan sa Domingo St., Barangay San Antonio.

Agad namang nadakip ang kasama nitong cook na si Edielar Villegas, 30, na kasama rin sa bahay.

Sa report, 10:30 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa loob ng tahanan na nirerentahan ng biktima at salarin.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Gilbert, galit na kinompronta ni Villegas si Rosaldo dahil sa mabahong amoy ng mga dumi ng pusa na nagkalat sa loob ng compound.

Naawat naman ang mainitang pagtatalo ng biktima at ni Villegas at nagpasyang lumabas muna ito ng bahay. Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Villegas, kumuha ng kutsilyo at sinaksak si Rosaldo sa dibdib.

Nakapiit na si Villegas habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

The post 2 chef nagtalo sa ebak ng pusa: 1 patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 chef nagtalo sa ebak ng pusa: 1 patay 2 chef nagtalo sa ebak ng pusa: 1 patay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.