Facebook

2 lalaki nakauniporme ng ‘Eagles’ patay sa ‘engkuentro’ sa Laguna, hinabol ng mga pulis mula Manila

LAGUNA – Dalawang lalaki na nakasuot ng uniporme ng ‘Eagles’ ang nasawi matapos umanong makipagbarilan sa pulusya sa kahabaan ng South Expressway, Silangan Exit, Calamba City.

Sa inisyal na ulat, nagkaroon ng mahabang pagtugis ng mga kagawad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang kulay puting Toyota Grandia may plakang WQT-786 mula sa Maynila sa hindi pa mabatid na dahilan.

Pagdating sa kahabaan ng South Expressway Silangan exit, nakorner ng mga operatiba ang mga tinutugis at nangyari umano ang engkwentro.

Binawian ng buhay sa loob mismo ng sinasakyang van ang dalawang lalaki na walang pagkakakilanlan.

Ang tanging pagkakakilanlan sa mga napatay ay ang kanilang parehong suot na uniporme ng ‘Eagles’.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. (Dick Garay)

The post 2 lalaki nakauniporme ng ‘Eagles’ patay sa ‘engkuentro’ sa Laguna, hinabol ng mga pulis mula Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 lalaki nakauniporme ng ‘Eagles’ patay sa ‘engkuentro’ sa Laguna, hinabol ng mga pulis mula Manila 2 lalaki nakauniporme ng ‘Eagles’ patay sa ‘engkuentro’ sa Laguna, hinabol ng mga pulis mula Manila Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.