Facebook

Misis at kabit huli sa akto ni Mister

LAGUNA – Nahuli sa akto ng isang mister ang kanyang misis na kasama ang kalaguyo nito sa isang motel, La Marimar Executive Inn, sa Barangay Tubigan, Biñan City.

Sa ulat ni Binan City Police chief, Lt. Col. Giovanni Martinez, itinago sa alias na “Boy” ang mister, 48 anyos, negosyante, ng Bgy. Parian, Calamba City.

Samantala, nahaharap sa paglabag sa kasong ‘Adultery’ ang misis nito na nakilala sa alias “Baby”, 43; habang ang kalaguyo nito na si alias “Ben”, 44, tricycle driver, ng Bgy. Tubigan, ay nahaharap sa kasong ‘Concubinage’.

Bandang 6:30 ng umaga nitong nakaraang Martes nang masundan ni Boy ang kanyang misis sa lugar.

Sinasabing gumawa ang mister ng paraan para matukoy nito kung kanino nahuhumaling ang kanyang misis sa pamamagitan ng tracking GPS device na inilagay nito sa kanyang kotse matapos magduda sa ginagawa ng misis.

Mula sa kanilang tahanan, lingid sa pagkaalam ng kanyang misis, nagawa nitong sundan sa lugar ang asawa at kalaguyo nito. Kaagad itong tumawag sa himpilan ng pulisya at nahuli sa akyo ang magkabit.

Sa mga nakalap na impormasyon ni Martinez, napag-alaman na matagal nang magka relasyon ang dalawa dahil magkababata pala ang mga ito.

Kasalukuyang nakapiit ang magkabit sa Binan City PNP. (Dick Garay)

The post Misis at kabit huli sa akto ni Mister appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis at kabit huli sa akto ni Mister Misis at kabit huli sa akto ni Mister Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.