NAGAWANG manghabol ng saksak ang isang lalaking nakasaklay na laging nakatambay at nanghihingi ng limos sa EDSA Carousel sa bahagi ng Ortigas, Mandaluyong City.
Sa video na kumakalat sa social media na ini-upload ng Inter-Agency Council forTraffic (I-ACT), sinita ang nasabing lalaki ng traffic marshal. Ngunit bigla nitong binitawan ang kanyang saklay at mabilis na hinabol ang otoridad na sumita sa kanya.
Kinilala ang lalaki sa pangalang “Ariel”.
Nangyari ito nitong nakalipas na Martes, 5:30 ng hapon sa Ortigas busway-southbound sa EDSA Carousel.
Sa report, sa kabila ng babala ng marshal, dumaan parin ang lalaking nakasaklay sa kalsada kaya muli siyang sinundan at pinagsabihan. Dito naglabas ng patalim ang lalaki at binitawan ang saklay saka hinabol ng saksak ang enforcer.
Ayon sa marshall na si Seaman Second Julius Abundol ng Philippine Coast Guard, nakatanggap siya ng reklamo mula sa dalawang commuters na nanghihingi ng pera ang lalaki ngunit kapag hindi binigyan ay nagmumura at naglalabas ng patalim.
“Sabi ko, ‘Sir tumabi po kayo’ kasi nga gawa ng natatakot na ‘yung mga commuters na nakapila. Noong naglalakad kami rito, papunta kami sa poste parang may binubunot siya. Sinasabihan ko na ‘Sir umalis na po kayo’ kasi naglalakad siya, minumura niya po ako,” lahad ni Abundol.
“Sa isipan ko Sir, nakasaklay eh, tapos nakatakbo?!”
May dumating naman na taga-Highway Patrol Group na police escort at tinulungan si Abundol na makontrol ang lalaki at makuha ang patalim.
Hinihinala na may kondisyon sa pag-iisip ang lalaki. Kaya binigyan nalang ito ni Abundol ng pera at pinasakay patungong Baclaran.
The post ‘Pilay’ na nakasaklay nanghabol ng saksak sa EDSA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: