Facebook

Food driver suma-sideline na holdaper, huli sa Pasay

ARESTADO ang isang food driver na suma-sideline na holdaper nang mabulilyaso ang lakad nitong Miyerkules ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang nadakip na si Rod Lawrence Cruz, 21 anyos, Food Panda rider, at residente ng Pulang Lupa, Las Piñas City.

Sa report ng Pasay City Police, sakay ng kulay itim na motorsiklo si Cruz at pagsapit sa entrance ng Gate 3 ng Hobbies of Asia, sa bahagi ng Macapagal Avenue, Barangay 76 Pasay City, bigla nitong hinablot ang pouch bag ng isang papalabas na Chinese national.

Nang pasakay na sa kaniyang motorsiklo at tatakas na sana ang rider, rumesponde ang security guard na si Ramon Ascano, hinarangan ng huli ang entrance at hinataw ito ng night stick.

Nakuha kay Cruz ang isang patalim na may sukat na walong pulgada.

The post Food driver suma-sideline na holdaper, huli sa Pasay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Food driver suma-sideline na holdaper, huli sa Pasay Food driver suma-sideline na holdaper, huli sa Pasay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.