Facebook

Jollibee viral sa ‘fried towel’, isinara!

NAGLABAS ng pahayag ang Jollibee kaugnay sa viral post ng isang customer na nagreklamo nang makatanggap ng ‘fried towel’ imbes na fried chicken.

Ayon kay Alique Perez, ginamit niya ang delivery app ng Jollibee para sa Chicken Joy ng kanyang anak at ipinagtaka na niya na hindi mahiwa ang inaakalang manok.

Nang bulatlatin nila ito, nadiskubre na ang sinusubukan nilang kainin ay tuwalya pala.

Sa isang kalatas, sinabi ng pamunuan ng Jollibeena nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

Inatasan narin nito ang Jollibee Bonifacio – Stop Over branch na magsara sa loob ng tatlong araw habang ginagawa ang pag-review kung sinunod ba nito ang food preparation system ng kumpanya.

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Jollibee ang lahat ng branches nito na mariing ipatupad ang high-standards sa paghahanda ng mga pagkain upang hindi na maulit ang kaparehong pangyayari.

Tiniyak ng JFC na maingat ang pagsunod nila sa food preparation sytems para makapagpagbigay ng de-kalidad na mga pagkain.

The post Jollibee viral sa ‘fried towel’, isinara! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jollibee viral sa ‘fried towel’, isinara! Jollibee viral sa ‘fried towel’, isinara! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.