Facebook

Ex-rapper ng Ex-Battalion kinasuhan ng concubinage

NAGSAMPA ng panibagong legal complaint ang social media personality at aktres na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang si Jon Gutierrez na dating rapper ng grupong Ex-Battalion.

Isinampa ni Jelai ang reklamong concubinage laban sa asawa sa Department of Justice (DoJ) nang aminin ni Jon na may matagal na itong itinatagong kalaguyo.

Maliban kay Jon, dawit din sa kaso ang dalawa pang personalidad na hindi pinangalanan ng aktres.

Ayon kay Jelai, kailangan niya itong gawin para mabigyan niya ng proteksiyon ang sarili at ipaglaban ang kanyang karapatan para hindi na tapak-tapakan ang kanyang pagkatao bilang isang babae.

Sa ngayon, inaayos na ni Jelai ang annulment nila ni Jon matapos pumutok sa social media ang cheating scandal ng rapper.

The post Ex-rapper ng Ex-Battalion kinasuhan ng concubinage appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-rapper ng Ex-Battalion kinasuhan ng concubinage Ex-rapper ng Ex-Battalion kinasuhan ng concubinage Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.