CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang opisyal ng barangay nang barilin sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Parocan Luntayan Dilangalen, 51 anyos, miyembro ng LGBT Community at kagawad ng Barangay Bual Sur, Midsayap, Cotabato.
Ayon sa ulat ng Midsayap Municipal Police Station, sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ang biktima sa bahagi ng Purok 4, Bgy. Bual Sur nang dikitan ng riding in tandem at pinagbabarilin ng kalibre.45 na pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.
Naisugod pa si Dilangalen sa isang pagamutan sa Midsayap ngunit hindi na ito umabot ng buhaydahil sa tinamong bala sa kanyang dibdib.
Alitan sa lupa ng pamilya ng biktima ang natatanaw na motibo ng krimen.
The post Bgy. kagawad na miembro ng LGBT pinatay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: