Facebook

‘Call of Duty’: Medtech inuna ang trabaho kahit nasusunog ang ospital

BUTUAN CITY – Wala kahit sa hinagap manlang ng isang medical technologist mula sa Adela Sierra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City sa Surigao del Sur na mag-viral sa social media ang kanyang layunin na matapos ang laboratory test bago mag-evacuate mula sa ospital nang sumiklab ang sunog mula sa katabing gusali Lunes ng gabi.

Ayon sa uploader na si Stefan Balani, nangayari ito ilang sandali lang matapos ang kayang duty. Nakita niya ang kanyang matapang na kasamahan na mas piniling magpaiwan at ipagpatuloy ang pag-cross match ng dugo para sa bagong panganak palang na sanggol.

Ayon kay Balani, ang totoong “call of duty” para makapagligtas ng buhay ng iba ang dahilan na hindi tumakbo ang kanyang kasamahang medtech na si Jeia Guingue na kumuha lang ng kaniyang bag at hindi iniwanan ang kanyang trabaho.

Batid aniya ni Guingue na kailangang makuha kaagad ang resulta ng test para sa bago palang panganak na sanggol lalo na at mahaba ang prosesosa ng cross-matching at kailangan ito ng pasyente at hindi pwedeng magkamali sa pag-abono ng dugo.

Inihayag ni FO3 Eric Masangcay ng Bureau of Fire Protection o BFP-Tandag City na hindi manlang yata kinabahan si Guingue nang makita na ang complex lang na parte ng ospital ang nasunog dahilan na ligtas din na natapos nito ang kanyang trabaho.

The post ‘Call of Duty’: Medtech inuna ang trabaho kahit nasusunog ang ospital appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Call of Duty’: Medtech inuna ang trabaho kahit nasusunog ang ospital ‘Call of Duty’: Medtech inuna ang trabaho kahit nasusunog ang ospital Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.