KORONADAL CITY – Na-rescue at naibaba mula sa bubungan ng 2-storey house ang isang lalaki na nagtangka tumalon Martes ng hapon.
Kinilala ang lalaki na si Bobong Vilmor Arigo, 31 anyos, ng Osita Subd., Barangay Zone 2, Koronadal City.
Ayon kay Ginang Zoraida Yanson, pinsan ni Arigo, nakakaranas ng depresyon si Bobong at palagi nitong sinasabi na natatakot siyang hulihin ng PDEA o pulis.
Ngunit hindi naman maipaliwanag ni Ginang Yanson kung bakit ito ang sinasabi ng kanyang pinsan.
Sa reporty, umaga ng Martes nang mawala si Bobong kaya’t hinanap ito ng kanyang amo at iniuwi sa kanilang bahay.
Ngunit, kinahapunan nagulat na lamang sila nang makitang nasa bubung na ito ng Baldon residence at nagtangka magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon. Naagapan ito ng kanyang mga kasamahan sa trabaho, pinakiusapan na bumaba at huwag ituloy ang pagpapakamatay.
Agad naman rumesponde ang mga otoridad. Ngunit tumagal pa ng mahigit 4 oras bago tuluyang bumaba si Bobong.
Dinala sa police station si Bobong nang bumaba mula sa bubungan ng bahay.
Napag-alaman na walang asawa at matagal nang nagtatrabaho sa isang shop ang nabanggit na lalaki.
The post Lalaki natatakot mahuli ng pulis, umakyat sa bubong at nagtangka tumalon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: