Facebook

60 bahay sinalanta ng lampas tao na baha sa SulKud

KORONADAL CITY – Umabot na sa 60 bahay ang sinira at inanod ng lampas tao na baha sa 3 barangay sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni Kapitan Merilo Cordero ng Barangay Daguma sa Bagumbayan.

Ayon kay Barangay Cordero, ang nabanggit na mga bahay ay hindi na maaaring balikan pa ng mga residente dahil halos wasak, sira at hindi na mapapakinabangan.

Sa katunayan, may ilang bahay na halos bubung nalang ang natira.

Kaugnay nito, daan-daang bakwit parin sa ang nananatili ngayon sa barangay gym dahil wala na silang babalikang bahay.

Nabigyan naman ang mga ito ng food packs at iba pang gamit. Pinagpaplanuhan pa ang pagsasaayos ng kanilang mga nasirang tahanan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang clearing operation. Pahirapan ang pagkuha ng mga nakahambalang na putol na mga puno ng kahoy, mga basura at putik na iniwan sa pag-subside ng baha.

Ang pagkakasira ng dam ay dulot ng walang humpay na buhos ng ulan sa probinsiya.

The post 60 bahay sinalanta ng lampas tao na baha sa SulKud appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
60 bahay sinalanta ng lampas tao na baha sa SulKud 60 bahay sinalanta ng lampas tao na baha sa SulKud Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.