MAY isang dekada nang tinitiis ng mga babaeng residente sa isang barangay ang madalas na pagkawala ng kanilang mga bra at panty na nakasampay sa Leyte.
Ayon sa ilang residente sa Barangay San Isidro, umaabot na sa 10 hanggang 20 panty ang natangay sa kanila.
Isa sa pinaghihinalaan ng mga residente na nagnanakaw ng kanilang gamit ang 63- anyos na kapitbahay na si Lola Editha Laño.
Pero itinanggi ng matanda na siya ang may kagagawan sa pagkawala ng mga bra at panty ng kapitbahay. Ngunit nang halughugin ang kanyang bahay ay natagpuan ang isang bag na naglalaman ng iba’t ibang panty at bra.
Inamin ni Lola Editha na ang kaniyang apo na si Melvin, na may kapansanan sa pag-iisip, ang talagang kumukuha ng mga saplot ng babae.
“Onse anyos palang siya nagnanakaw na siya. Ako ang nakahuli sa kaniya, lalo na kapag bra. Magsuot siya, magsayaw-sayaw sa harap ng salamin. Tinatanong ko siya kaninong bra ang kaniyang suot, sabi niya kaniyang ninakaw,” kuwento ni Lola Editha.
Agad namang ibinabalik ni Lola Editha sa kaniyang mga kapitbahay ang mga bra at panty na ninakaw ng apo. Pinagsasabihan din niya si Melvin na hindi mabuti ang ganitong gawain.
Ayon kay Lola Editha, meron ding problema sa pag-iisip ang ina ni Melvin.
The post Sampay na bra at panty ninanakaw sa Leyte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: