Facebook

Bgy. kapitan sa Laguna inambus, nakaligtas

LAGUNA – Mapalad na nakaligtas sa kamatayan ang isang barangay chairman nang tambangan sa Barangay Paciano, Calamba City.

Sa inisyal na ulat ni Regional Public Information Officer (RPIO) Police Major Mary Ann Crester Torres kay PRO4A Calabarzon Regional Director Brig. General Eliseo Cruz, nakilala ang biktima na si Arvin Laude Manguiat, 44 anyos, kapitan ng Bgy. Palo Alto, Calamba City.

Kasalukuyang ginagamot at nasa maayos nang kalagayan sa ospital si Manguiat na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang kaliwang braso at tagiliran mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ng mga salarin.

Sa imbestigasyon, 1:54 ng madaling araw nitong Martes naganap ang insidente habang lulan sa kanyang minamanehong pulang Toyota Innova ( DAU-7657) mula sa Modern Village ang biktima.

Bigla umanong hinarang ng mga salarin ang sasakyan ng biktima at pinagbabaril, at mabilis na tumakas sakay ng isang SUV at motorsiklo. Kaagad naman naisugod sa ospital ang barangay official.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya.(Dick Garay)

The post Bgy. kapitan sa Laguna inambus, nakaligtas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kapitan sa Laguna inambus, nakaligtas Bgy. kapitan sa Laguna inambus, nakaligtas Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.