ISANG factory worker ang humingi ng tulong kay Mayor Rex Gatchalian nang pasahurin ng tigsi-singko at diyes na barya sa Valenzuela City.
Umabot ng P1,056 ang baryang sinahod ng manggagawa na nagtatrabaho sa Next Green Factory.
Ayon sa local government unit (LGU) ng Valenzuela, nakausap na ng alkalde ang manggagawa at kinatawan ng pabrika.
Habang ipapatawag sa sunod nilang pagpupulong ang mismong may-ari ng kompanya na kasalukuyang nasa ibang bansa.
“Mayor Rex reiterates that industry workers should be treated accordingly and not be demoralized,” saad sa Twitter post ng Valenzuela LGU.
Sa hiwalay na statement, sinabi ni Gatchalian na paghaharapin nila ang may-ari ng pabrika at ang nagreklamo nitong manggagawa.
“Sending a company representative won’t cut it for me. I’ll see to it that we get to the bottom of this “cruel and unusual” labor practice and deal with it accordingly,” ani Gatchalian.
Samantala, ilang source mula sa Valenzuela City Hall ang nagsabing plano ni Gatchalian na isa-isang ipapulot sa may-ari ng Next Green Factory ang P1,056 na baryang ipina-sweldo nito mula sa kalapit na city police station hanggang sa city hall bilang parusa.
The post FACTORY WORKER SINAHURAN NG BARYA, NAGREKLAMO SA MAYOR! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: