Facebook

Bong Go, binuksan ika-120 Malasakit Center sa San Lazaro Hospital

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahihirap at indigent patients na gawing prayoridad ang kanilang medical-related needs sa gitna ng patuloy na health crisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak naman ni Go sa kanila na kombinyente silang makakukuha o makatatanggap ng tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Malasakit Centers na nakakalat na sa bansa.

Kamakalawa ay pinangunahan ni Go ang pagbubukas ng ika-120 Malasakit Center sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang naturang Malasakit Center ay pang-25 na naitatayo na sa National Capital Region at pang-apat sa Lungsod ng Maynila, kinabibilangan ng nasa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital at Jose R. Reyes Memorial Medical Center sa Sta. Cruz din at sa Philippine General Hospital sa Ermita.

Sa kanyang talumpati, idiniin ng senador na dapat mapagkalooban ng convenient access sa serbisyong medikal ang mga Filipino.

Kaya naman pinayuhan niya ang indigent patients na i-avail ang mga serbisyo ng Malasakit Center kung saan sila walang kahirap-hirap na mabibigyan ng medical assistance na sasagot sa mga gastusin sa ospital at iba pang medical related expenses.

“Sa mga pasyente dito, kung may bill kayo, ilapit niyo lang ito sa Malasakit Center at tutulungan kayo nito makahingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno. Hindi niyo na kailangan bumiyahe para pumila sa iba’t ibang opisina. Kung may naiwan pa kayong balanse, may pondo ring ibinigay si Pangulong Rodrigo Duterte para wala na kayong babayaran,” sabi ni Go.

“Wala itong pinipili. Basta poor at indigent patient ka, qualified ka. Pera niyo ito na binabalik lang namin sa pamamagitan ng maayos na serbisyo,” dagdag niya.

Hiniling naman niya sa hospital personnel na tiyaking ang mga walang kakayahan, partikular ang tinatawag na “poorest of the poor” ay maseserbisyohan lalo ngayong nasa gitna tayo ng health crisis.

“Wala nang dahilan para hindi tulungan ang mahihirap nating kababayan. Sa totoo lang, hindi naman pumupunta ang mga mayayaman dito. ‘Yung mga mahihirap at walang matakbuhan ang humihingi ng tulong kaya pakiusap, unahin natin sila,” ayon sa senador.

“Hiling ko rin sa susunod na administrasyon, kung marami namang mahihirap ang natutulungan ng programang ito, sana ay ipagpatuloy niyo po ang pagsuporta dito dahil batas na po ang Malasakit Centers Act,” apela niya. (PFT Team)

The post Bong Go, binuksan ika-120 Malasakit Center sa San Lazaro Hospital appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go, binuksan ika-120 Malasakit Center sa San Lazaro Hospital Bong Go, binuksan ika-120 Malasakit Center sa San Lazaro Hospital Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.