Facebook

Caloocan Mayor, Deped Usec kinasuhan ng graft

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, dalawang opisyal ng lungsod at ang Undersecretary ng Department of Education (DEPED) kaugnay ng maeskandalong pagbili umano ng alkalde ng dispalinghadong tablets para sa online class ng mga estudyante na nagkakahalaga ng P320 million.

Nabatid sa 13 pahinang demanda na inihain nila City Councilors Christopher “PJ” Malonzo, Marylou Nubla at Alexander Mangasar, nagsampa ng reklamong katiwalian sa Ombudsman ang mga naturang konsehal laban kay Mayor Malapitan.

Kasama rin sa mga kinasuhan ng katiwalian nitong Miyerkules ng umaga sina Deped Undersecretary Alain del Pascua, City Treasurer Analiza Mendiola, Bids and Awards Committee chairman, Engr. Oliver Hernandez at ang supplier ng substandard tablets na si Annalou Pallarca, Senior Project Officer ng kompanyang Cosmic Technology Incorporated.

Ayon sa reklamo, nagsabwatan umano ang mga kinasuhan sa pagbili ng overpriced gadget na kalaunan hindi magamit sa online class ng maraming estudyante ng lungsod.

Kinuwestiyon din ng mga complinant ang kawalan ng public bidding sa pagbili ng daan-daang milyong pisong tablets na lantarang paglabag sa Procurement Law ng pamahalaan.

Kaugnay nito binanggit din ng mga complinant na makailang ulit silang nagpadala ng liham kay Mayor Malapitan para hingiin ang detalye ng naging proseso ng pagbili ng gadget sa halagang P4,930 bawat unit ng Cherry Cosmos 7, subali’t umabot umano sa walong buwan bago ito sumagot gayong nakasaad sa inaprubahang ordinansa na dapat ay mag-uulat ang alkalde labing limang araw matapos ang proseso.

Ayon sa mga konsehal, ang mataas na uri na Cherry Mobile Superior Radar Deluxe 2 na nagkakahalaga lang ng P3,299 ay pasok sa Technical Specification ng division of city school subalit mas pinili ng mga kinasuhan ang mahal subali’t out model umano at mababa ang quality.

Binigyang-diin pa ng mga konsehal na nakatipid sana ng P79,579, 226 ang lungsod kung ang superior quality na bukod sa mura ng 33%, mas mataas pa umano ang kalidad nito.

Imbes na P320 milyon, aabot lamang umano sana sa P239,125,554 ang gastos ng lungsod kumpara sa binili ni Malapitan na Cosmos 7 na matagal nang wala sa merkado dito man o sa abroad. (Boy Celario)

The post Caloocan Mayor, Deped Usec kinasuhan ng graft appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Caloocan Mayor, Deped Usec kinasuhan ng graft Caloocan Mayor, Deped Usec kinasuhan ng graft Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.