Facebook

Kiefer Ravena lumagda sa Shiga Lakestars sa Japan’s B. League

LUMAGDA ng kontrata si Kiefer Ravena sa Shiga Lakestars para sa 2021-22 season, inanunsyo ng club kahapon.

Si Ravena ay registered na Asian import, katulad sa kanyang nakakabatang kapatid Thirdy sa San-En NeoPhoenix.

Pormal na ipakilala siya sa Lunes kasabay ng bagong Shigas head coach, Luis Guil Torres.

Sa kanilang pahayag, nalaman ng Shiga na si Ravena ay popular athlete na may mahigit isang million tagasunod sa ibat-ibang social media accounts.

Makakasama ni Ravena ang Shiga Lakestars team na may 23-36 standing sa B.League’s West region last season, at hindi nakapasok sa playoffs.

Maglalaro siya sa parehong rehiyon ni Thirdy at ang NeoPhoenix. Ang batang Ravena ay lumagda ng contract extension kamakailan sa San- En matapos ang injury-riddled campaign nakaraang taon.

Ang B.League season ay magsisimula sa October, ang bawat team ay maglalaro 60 games-30 at home at 30 on the road.

The post Kiefer Ravena lumagda sa Shiga Lakestars sa Japan’s B. League appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kiefer Ravena lumagda sa Shiga Lakestars sa Japan’s B. League Kiefer Ravena lumagda sa Shiga Lakestars sa Japan’s B. League Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.