Facebook

Nets tinapos ang Celtics sa Game five

UMUSAD na rin sa second round ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos durugin ang Boston Celtics sa Game five kahapon sa Barclays Center sa New York.

Tinapos ng Nets ang first round series sa 4 wins against 1.

Dahil dito, uusad na ang Brooklyn sa semifinals upang harapin naman ang nag-aantay na Milwaukee Bucks.

Muling panamunuan ng tinaguriang Big Three ang opensiba ng Nets upang tapusin na rin ang kampanya ng Celtics.

Nanguna si James Harden na may 34 points, 10 rebounds at 10 assists sa kanyang unang postseason triple-double, habang si Kyrie Irving naman ay umiskor ng 25 points at si Kevin Durant ay nag-ambag ng 24 puntos.

Ang Game 1 ng Nets laban sa grupo ni reigning NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ay magaganap sa araw ng Linggo sa teritoryo ng Brooklyn.

Ito ang unang pangyayari na muling makakatikim sa semifinals ang Brooklyn Nets mula pa noong taong 2014.

Samantala, sa Celtics si Jason Tatum ay pumuntos ng 32 at may nine rebounds.

Minalas pa rin ang Celtics, na umabot sa Eastern Conference finals noong nakaraang taon, dahil sa kawalan pa rin nina Jaylen Brown at Kemba Walker na kapwa may injuries.

The post Nets tinapos ang Celtics sa Game five appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nets tinapos ang Celtics sa Game five Nets tinapos ang Celtics sa Game five Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.