Facebook

JAMES YAP, “BIG GAME”, BIG NAME”

SA hanay ng 2004 batch ng rookies sa PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA), si JAMES YAP ang nakikitang ‘remaining survivor’ mula sa pagreretiro ni JEAN MARC PINGRIS kamakailan. ‘Made’ na si PINGRIS at stable na masasabi dahil masinop at masikap din bukod pa sa nakabilang siya sa isang pamosong showbiz clan bilang betterhalf ni DANICA SOTTO, anak ni Bossing VIC SOTTO na isa sa most successful celebrities sa bansa.

On the other hand, ‘MADE’ naman si JAMES YAP bilangpopular at mahusay na cager tulad ng contemporary at buddy niyang siPINGRIS. Nagkasama sila sa PUREFOODS sa ilang championships atparehong nasa list of PBA 40 Greats.

Kabilang sa batch nila sina RANIDEL DE OCAMPO, SONNYTHOSS, GARY DAVID at PAUL ARTADI na lahat ay nakagawa ng magandang pangalan sa PBA pero walang kokontra na iba ang dating ng isang JAMES YAP. Bukod sa accomplishments as cager, umangat si JAMES sa popularitybilang asawa ng controversial actress, TV host cum presidential daughter/sister na si KRIS AQUINO, dubbed as Queen of All Media. Hindi maitatanggi ang controversies na nakaikot kay JAMES hanggang sa paghihiwalay nila, much to think na may bonding child sila, si BABY JAMES o JAMES YAP JR. na tinawag ni KRIS sa palayaw na BIMBY after ng separation nila.

Samantalang single parent na si KRIS, nakadikit pa rin ang pangalan ni JAMES dahil sa bitter nilang hiwalayan pero masaya at tahimik si JAMES sa relasyon kay MICHELA CAZZOLA with kids MICHAELJAMES and FRANCESCA. Ipina-annul ni KRIS ang marriage nila kakambal ng maraming kontrobersya. Basketball standout ng Bacolod Tay Tung High School at Iloilo Central Commercial High School, dinala niya ang team sa mga titulo ng PRISAA. Naging player siya ng UE RED WARRIORS na nakilala sa Final Four 2002 at naging UAAP Most Valuable Player, 2003.

Naglaro siya sa PIHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE (PBL),naging 2nd overall pick ng PUREFOODS, 2004 PBA Draft. Naging 2004-2006 and 2009-2010 Most Valuable Player at Philippine Cup

Conference MVP. Nakuha ng PUREFOODS sa batch ni JAMES ang 2013-2014 Commissioners Cup at 2013-2014 Governor’s Cup Finals Plum. Third all-time leading scorer si JAMES YAP, from ALVIN PATRIMONIO and JERRY CODINERA at nasungkit niya ang 2012 All-Star MVP award bukod sa naging many-time member siya ng RP Basketball Team.

ANO PA ANG TARGET NI JAMES YAP?

SAPUL nang mai-trade ng PUREFOODS si JAMES YAP sa datiniyang team owner sa PBL na WELCOAT o RAIN OR SHINE franchise na sa PBA, wish ng tinaguriang “BIG GAME JAMES” na maihatid sa kampeonato ang team.

Sa tingin namin, nasa coach din ang sikreto at mabigatipanalo ng isang stalwart kung kulang ang puwersa ng koponan o base sa strategy ng coach. Di po ba, kaya nga may champion coach category?

Kung may bench time ang isang multi-titled cager o di akma ang timing sa pagsalang, bukod sa galing at swerte, mahirap sumungkit ng kampeonato. Nonetheless, bukod sa “MR. BIG GAME”, BIG NAME to both caging and showbiz world si JAMES YAP. For us, wala na siyang dapat patunayan sa bigat ng narating.HAPPY READING!

The post JAMES YAP, “BIG GAME”, BIG NAME” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
JAMES YAP, “BIG GAME”, BIG NAME” JAMES YAP, “BIG GAME”, BIG NAME” Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.