Facebook

CAO NG ALBAY KAMPEON NG DON PEDRO M.KIRONG 9-BALL KOPA SA LIPA

ISANG eleganteng kopa bukod pa sa premyong salapi ang nakopo ng batikang dayuhan na si Nelson Cao mula Albay sa sumargo nitong nakaraang weekend na buwenamanong Don Pedro M. Kirong 9-Ball Invitational Billiards Cup sa Casa Adela Bgy. Cumba ,Lungsod ng Lipa sa Batangas.

Ayon kay event organizer Erick Kirong,matindi ang naging sarguhan sa pinale sa pagitan ni Cao at palabang pambato mula Marikina na si Raul Dolatre na nakuntento na sa kanyang runner-up finish.

Tersera naman ang pambato ng Lipa na si Victor Hernandez na pumalit sa nagkampeon sa Sergio V.Kirong 8- Ball tilt noong Abril na si Nomer Panganiban sa naturan ding venue.

“Breaks of the game lang nagkatalo, puro champion caliber.Matapos ang matagumpay na pagsargo ng Sergio V.Kirong 8- Ball Invitational Cup at ang just concluded na Don Pedro Kirong Cup ay tumaas ang entusyastiko sa larangan ng mga manlalro sa lalawigan sa popular na billiards game lalo sa panahong ito na mahigpit pa ang alituntuning ipinapatupad ng IATF sa team sports tulad ng volleyball at basketball gayundin sa contact sports gaya ng mixed martial arts,karate, boxing at iba pa,” wika ng batang Kirong.

“Ang dami palang mahuhusay na manlalaro sa billiards sa countryside.
Kailangan lang silang madiskubre sa mga palarong tulad nito .Kaya pala world caliber ang mga pambato natin tulad nina Bata Reyes,Djanggo Bustamante,Dennis Oecullo,Amang Parica at iba pang Pinoy pool sharks dahil natural talent ito ng Pilipino- ang game of precision na billiads”, sambit pa ng tanyag na businessman/ sports patron at team owner ng multi- titled Macway basketball team sa commercial cage leagues sa Metro Manila.
“Dito muna tayo sa individual sport na billiards na madaling makatupad sa health protocol ng kinauukulan.”

Ang naunang Sergio Kirong Cup ay inihandog ni Erick sa kanilang Patriarko habang ang Don Pedro Kirong Cup ay palarong parangal sa orihinal na puno ng Kirong clan na nagmula sa pagiging lingkod – bayan bilang Capitan del Barrio,School Principal tungo sa pagiging haciendero at Kinatawan mula Katimugan sa Kongreso sa timon ni Speaker Nicanor Yñiguez.(Danny Simon)

The post CAO NG ALBAY KAMPEON NG DON PEDRO M.KIRONG 9-BALL KOPA SA LIPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CAO NG ALBAY KAMPEON NG DON PEDRO M.KIRONG 9-BALL KOPA SA LIPA CAO NG ALBAY KAMPEON NG DON PEDRO M.KIRONG 9-BALL KOPA SA LIPA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.