Facebook

Duterte para VP? Tsk tsk tsk…

WALANG batas na nagbabawal na pagkatapos ng termino ng isang presidente ay maari itong tumakbo sa mababang posisyon.

Pero por delicadeza, kung ikaw ay may natitira pang hiya o respeto sa iyong katawan, narating mo na ang highest position ng iyong political career, bababa ka pa? Pag natalo ka, sobrang nakakahiya nun, di ba?

Kung sabagay ginawa na ito ng na-impeach at ex-covict president na si Joseph “Erap” Estrada, na matapos mabigyan ng absolute parole sa kasong “pangungulimbat” ay kumasang mayor at nanalo sa Maynila.

Ginawa rin ito ni Gloria Macapagal-Arroyo na pagkatapos ng kanyang termino at makulong sa “pandarambong” ay tumakbong kongresista at nanalo sa Lubao, Pampanga.

Tapos gagawin rin ba ito ng graduating President Rodrigo Roa Duterte?

Hindi kaya ng dibdib ko ang ganitong gawain ng politiko. Masasabi kong isa itong kasakiman sa kapangyarihan, ginagawang hanapbuhay ang politika. Hindi na ito pagseserbisyo sa bayan lalo kung uugod-ugod na at tila wala na sa katinuan ang pag-iisip.

Si Duterte ay pinu-push ngayon ng kanyang mga kaal-yado sa partido PDP Laban na binubuo ng mga opisyal na dating mga “bata” ni GMA na nakapuwesto ngayon sa makakatakas na ahensiya ng gobyerno na kinukulapulan ng katiwalian.

Gusto nila tumakbong Vice President si Duterte pagkatapos ng termino nito as President sa 2022. Binigyan din nila ng kapangyarihan si Duterte na mamili ng gusto nitong maging Presidente.

Ibig sabihin nito, dahil si Duterte ang pumili ng running mate niya para Presidente, kapag nanalo ang presidente niya at manalo rin siya ay siya parin ang posibleng magmamando sa gobyerno, magsisilbi lamang dummy ang presidente niya.

Paano naman kung matalo ang presidente ni Duterte at nanalo siya, manggugulo nalang siya?

Kung manalo naman ang presidente ni Duterte at matalo siya, malamang na makakaligtas siya sa mga posibleng kakaharaping kaso pagkatapos ng kanyang termino sa pagka-pangulo.

Ito marahil ang plano? Puede!

Pero kung ako kay Duterte, mag-eendorso nalang ako ng Presidente at Bise Presidente. Nandiyan naman ang kanyang anak na si Davao City Mayor “Inday” Sara, kanyang long aid Senator Bong Go, ex-Sen. Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Cynthia Villar o anak nitong si DPWH Sec. Mark Villar, Cong. Alan Peter Cayetano na pawang may bilang o kakayahang manalo sa pagka-presidente at bise presidente.

Kaya ko nasasabing dapat nang magpahinga ni Duterte dahil halata nang hindi maganda ang lagay ng kanyang kalusugan. At 76, marami na siyang nararamdaman. Kaya nga once a week nalang siya kung magpakita sa publiko at halatang may iniinda sa katawan, hindi na maayos kung maglakad at tila wala nang direksyon kung magsasalita sa publiko.

Itong mga nagsusulong kay Duterte para tumakbong VP ay gusto rin lang manatili sa kanilang puwesto at takot makasuhan ‘pag naging iba ang administrasyon. Sa dami nga naman ng kinulimbat nila, lahat nang ito’y mabubunyag kapag nawala sa poder ang kanilang protektor. Aminin!!!

Anyway, abangan naman natin ang magiging lineup ng 1Sambayan laban sa PDP Laban. Sa June 12 na yan!!!

The post Duterte para VP? Tsk tsk tsk… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Duterte para VP? Tsk tsk tsk… Duterte para VP? Tsk tsk tsk… Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.