Facebook

Carlos Yulo nasungkit ang bronze sa Japan gymnastics

NASUNGKIT ng Filipino gymnast Carlos Yulo ang bronze medal sa parallel bars sa iskor na 14.966 sa 2021 All Japan Apparatus Championship.

Nagtapos siya sa likuran nina Japanese Yusuke Tanaka at Kaito Sugimoto, na inangkin ang gold medal na may parehong score na 15.400.

Ang huling tagumpay ni Yulo ay ipinagmalaki ng Gymnastics Association of the Philippines.
“Great performance, Caloy! We can’t wait to see you defy gravity in the Olympics,” Sambit ng national association.

Ang Japan – based Yulo ay kwalipikado para sa Tokyo Olympics matapos umabante sa finals ng all-around sa 2019 World Artistic Gymnastics Championship sa Stuttgart,Germany.
Gumawa siya ng kasaysayan sa parehong event na nagwagi ng gold sa floor exercises, unang pagkakataon na ang Filipino ay nanalo sa world championship sa gymnastics.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 2019 para sumabak sa Southeast Asian Games, kung saan siya nagwagi ng gold sa floor exercises at all-around, habang nagbulsa ng silver sa pommel, still rings,vault, at parallel bar.

The post Carlos Yulo nasungkit ang bronze sa Japan gymnastics appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Carlos Yulo nasungkit ang bronze sa Japan gymnastics Carlos Yulo nasungkit ang bronze sa Japan gymnastics Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.