Facebook

NBA: Sixers vs Hawks tabla 1-1

KUMAYOD si Joel Embiid ng career playoff high na 40 points at 13 rebounds upang buhatin ang top -seeded Philadelphia 76ers na durugin ang Atlanta Hawks sa iskor na 118-102, kahapon para itabla ang kanilang Eastern Conference series sa 1-1.

Nagrehistro si Tobias Harris ng 22 points, Seth Curry nagtapos ng 21 points kabilang ang limang three points, at Shake Milton umiskor ng 14 points sa harap ng crowd na 18,600 sa Wells Fargo Center.

Ang Game three ng best-of- seven series ay lalaruin sa Biyernes sa Atlanta.

Si Embiid ay naglaro kahit na diagnosed na may lateral meniscus tear sa kanyang tuhod. matapos sibakin ang Washington Wizards sa Game five.

Trae Young, na nagpakitang gilas sa game one, nagtapos ng 21 points at 11 assists.
Danilo Gallinari kumamada ng 21 points at nine rebounds, habang si Kevin Huerter nagdagdag ng playoff career-high 20 points para sa fifth-seeded Hawks.

Bogdan Bogdanovic umiskor ng 14 points, habang si Clint Capela 10.

Ang Hawks ay 14-20 rekord bago masibak si coach Lloyd Pierce at nang pumalit si Nate Millan bilang interim basis, ang Atlanta ay 32-13 kabilang ang playoffs.

Hindi pa rin nakapaglaro si De’Andre Hunter sa ikalawang sunod na laro dahil sa right knee soreness.

The post NBA: Sixers vs Hawks tabla 1-1 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NBA: Sixers vs Hawks tabla 1-1 NBA: Sixers vs Hawks tabla 1-1 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.