Facebook

Clippers wagi vs Jazz sa Game 3 ng West semifinals

NAGREHISTRO si Kawhi Leonard ng 34 points habang si Paul George umiskor ng 31 upang tulungan ang Los Angeles Clippers na iposte ang 132-106, tagumpay laban sa makulit na Utah Jazz kahapon at ilista ang 2-1 sa Western Conference semifinals sa Los Angeles.

Reggie Jackson at Nicolas Batum nag-ambag ng tig-17 puntos para sa fourth-seeded Los Angeles, Leonard nagdagdag ng 12 rebounds.

Donovan Mitchell umiskor ng 30 points sa 32 minutong laro para sa top-seeded Utah pero hindi nagpakita sa final seven minutes matapos pumihit ang kanyang kanang bukung-bukong.

Ang Game 4 ay sa Lunes sa Los Angeles.

Hindi rin nakapaglaro si Utah’s Mike Conley sa ikatlong pagkakataon dahil may (harmstring).

Joe Inglesh umiskor ng 19 points para sa Jazz,Jordan Clarkson nagdagdag ng 14 points, Rudy Gobert bumakas ng 12 points at 10 rebounds, habang si Royce O’Neale nagambag ng 12 puntos.

Ang Clippers ay kumana ng 19 of 36 sa 3-point range, habang shooting 56.2 percent overall. George ay 6 of 10 mula sa long range, Jackson bumanat ng 5 of 6 at Batum 4 of 6.

The post Clippers wagi vs Jazz sa Game 3 ng West semifinals appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Clippers wagi vs Jazz sa Game 3 ng West semifinals Clippers wagi vs Jazz sa Game 3 ng West semifinals Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.